Chapter 9: A Neighbor's Kiss

247 12 0
                                    

Chapter 9: A Neighbor's Kiss

Meeya's POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Tinawagan kasi ako ni Tala kanina na hindi kami matutuloy kasi pinapunta daw siya ng papa niya sa bahay ng Tito niya.

I got off my bed at tumingin sa wall clock.

"Dafuq it's already 12 midnight?" I whispered at di-nial ang number ng isang sikat na pizzeria. Mabuti na lang at 24/7 ang pizzeria na yun.

"One aloha pizza and one large fries, Carbonel Condo Room 0898," I stated at ibinaba na ang telepono.

"Dix? " tawag ko kay Dix pero parang wala siya dito sa bahay.

Habang hinihintay ko ang in-order ko ay naisipan kong mag-stay sa veranda. I can see the City Lights from up here at sa di kalayuan ay napatingin ako.

Isang malaking billboard kung saan featured ng Forbes Magazine ang isa sa pinaka-ha--- well, not hate. Isa sa pinaka-iinisan kong tao sa buong buhay ko, si Kyth Sandoval.

Urgh! Nakakainis yang mukha niya! Yung mata niya na nakaka-intimimade, yung ilong niya na ang sarap putulin para hindi na siya makahinga, yung boses niya na nakaka-tameme, tapos yung--- yung labi niya na ang sarap--- ang sarap h--- urgh!

I covered my ears dahil sa mga mumunting huni na naririnig ko mula sa aking sarili. Fuck! What are you doing to me Kyth?! Despite of your vicious self ay bakit nagagawa mong patikumin ang bibig ko? Bakit mo nagagawang painitin ang mga pisngi ko? Balit mo nagagawang ipahiya ako sa aking sarili?

I shut my eyes close ng marining ko na naman ang boses ni Kyth.

"So, you're really famous? "

"Famous in humiliating yourself infront of so many people, kaya ka pala sikat eh, kasi gumagawa ka ng eksena sa harap ng maraming tao. "

Nag-init ang ulo ko ng marinig ko na naman yung mga katagang binitawan ni Kyth nung una naming pagkikita.

Nakakainis siya! Urgh!

"Oh, c'mon Meeya. You were stalking me, "

"I am not stalking you! Ang kapal ng mukha mo Kyth! Ang kapal kapal ng mukha mo nakakainis ka! " I yelled out just to let my feelings go habang dinuduro ko ang napakalaking billboard ng Forbes sa di kalayuan. Tumigil lang ako ng marinig kong may mag doorbell.

"Pizza delivery for Ms. Meeya Carbonel, " ngiting saad nung delivery boy na ginantihan ko din ng ngiti. Hindi ko naman hate lahat ng lalaki sa mundo no.

Matapos kong bayaran ay isasara ko na sana ang pinto ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng katabing unit ko.

"May nakatira na pala sa unit na yun?" Kunot noo kong sabi. Alas dose na pero gising pa din yung nakatira. Napaisip ako at ng tuluyan na akong nakapag-pasya ay pumunta ako sa harap ng unit ng bagong neighbor ko. Tutal isang buong circle naman ang inorder ko kaya aayain ko na lang siyang kumain at bilang pasasalamat na rin in behalf of my father dahil pinili niyang tumira dito sa condominium namin.

Nakailang pindot na ako sa doorbell pero hindi pa din ako pinagbubuksan ng pinto. Pinindot ko na naman ang doorbell and this time ay bumukas ito at agad sumalubong sa akin ang masangsang na amoy ng alak at ng sigarilyo.

Kunot noo akong tumingin sa madilim na sala ng unit ng bagong neighbor ko. At literal na napanganga ako ng iniluwa ng unit na yun ang taong pinakaiinisan ko. She looks so haggard and wasted. Sa kanang kamay niya ay hawak niya ang isang bote ng whiskey at sa kaliwang kamay naman ay sigarilyo.

Is she really Kyth? Agad akong lumayo ng konti at tinitigan siya. Kinompirma ko kung siya nga ba talaga si Kyth and to my surprised she is really Kyth. Anong gimagawa niya dito? And why is she drinking, and smoking?

My Heart Says It's Her (FreenBecky)Where stories live. Discover now