Chapter 32: In a Labyrinth

56 4 1
                                    

Chapter 32: In a Labyrinth

Kyth's POV

"Kyth. Are you awake? We need to talk!" Rinig kong tawag ni David sa akin sa labas ng guest room. Ano na naman bang kalokohan ang sasabihin niya?

"Go away, David! Wala akong panahon para sa mga kalokohan mo" I responded at pumailalim sa kumot.

"C'mon Kythania! This is important! Bubuksan mo ba tong pinto o sisirain ko to?"

I angrily stood up at pinagbuksan siya ng pinto.

"What?!" I asked him angrily. Hindi padin ako nahimasmasan sa mga pinagsasabi nila kagabi.

"You're family's here. We need to talk" bulalas ni David na nagpabago ng expression ng mukha ko.

"Kyth, anak. We need to talk"

Agad akong napaatras ng makita ko si papa at nasa likuran niya si Kyron at si mama. What are they doing here?

"Wala tayong dapat pag-usapan," I was about to close the door ng hawakan ni papa ang pinto.

"Anak, I know malaki ang kasalanan at pagkukulang ko sayo pero please just hear us out, importante ang pag-uusapan natin" kumawala ang boses ni papa mula sa bibig niya, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng sampung taon na mahinahon ang pakikitungo niya sa akin. He was once like this to me, not until what happened 10 years ago. Halos isuka na niya ako sa harap nina Kyron after that incident.

"Anak? For the past 10 years hindi mo ipinaramdam sakin yon, tapos ngayon tatawagin mo akong anak? Anong klaseng biro ba tong ginagawa niyo, David? Kyron?" Puno ng pait na sagot ko sa taong nasa harapan ko.

"Kythania, I have no excuse to tell you. But believe me, I am really sorry for making you feel like this. Gusto ko lang naman na lumaki kang matatag"

"And that's your way for me to become matatag? Ang iparamdam sa akin na hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo at sa pagmamahal ni lolo? Do you know what I had to go through para lang makita niyo akong humihinga kahit ang totoo ay araw-araw niyo akong pinapatay sa mga pinapakita at pinaparamdam niyo ni lolo sa akin. You don't know what it feels like to be hated by the person I love the most! Everything I did was for you, for lolo, for SGC, pero you're accusations made me think that I wasn't capable!" I bursted. Hindi ko na napigilan pa ang bibig ko na isigaw ang lahat ng gusto kong isigaw. Sobrang bigat pero pakiramdam ko ay unti-unting gumagaan. I've been keeping this to myself for a long time. It's good to shout it out sometimes.

"I know. Kaya nga nandito ako para bumawi, anak." Pambibitin ni papa sa sinasabi niya. Lumapit siya sakin, he was about to grab my hand pero iniwas ko ito sa kanya. I tried closing the door again pero napatigil ako sa sinabi ni papa.

"What did you say?" I asked in confusion. I saw the look on their faces, kunot noo akong tumingin sa kanilang lahat, "What did you say, papa?"

"Pumunta ka ba sa bahay ng mga Carlyle last week?," I was taken aback by the question. Why is papa asking me about this? Does he know anything?

"Kyth, tell us the truth. Pumunta ka ba sa bahay ng mga Carlyle?" Pag-uulit ni mama sa tanong ni papa. Tiningnan ko silang lahat, lahat sila ay naghihintay ng isasagot ko. I gathered all my strength at binuksan ng tuluyan ang pinto ng guestroom.

"No" I answered.

Liar.

Napapikit ako ng mariin dahil sa narinig ko sa mga tenga ko.

"If so, how did your ring get there, Kyth? Kung talagang hindi ka nga pumunta kina Edriel,"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko mula sa bibig ni papa.

My Heart Says It's Her (FreenBecky)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon