Chapter 35

173K 2.2K 229
                                    

                                                                                                                                               

Chapter 35

Charlie

Series of images keeps flashing in my mind. One nightmare after another.

May mga taong nakatingin sa akin.

Pero tila wala silang mga mukha.

May mga nakikita akong nagaganap. Nagaganap ba ito o naganap na?

Parang saksi ako sa mga pangyayaring hindi ko alam kung kailan naganap.

Litong-lito ako! Parang sasabog ang ulo ko. Hindi ko maintindihan ang mga nakikita ko.

NAGUGULUHAN AKO!!!

May isang lalaki na parating. Nandon palagi sa panaghinip ko? Pero bakit wala syang mukha?

Nandon sya kapag nalulungkot ako, kapag masaya ako… kapag natatakot ako.

Pero bakit hindi ko sya makilala? Bakit hindi ko makita ang mukha nya?

Gusto ko syang makilala. Gusto kong Makita ang mukha nya dahil kapag nakikita ko sya ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Pero bakit may halong sakit?

Bakit may halong takot?

Iba’t ibang emosyon…

Hindi ko alam kung anong totoo…

SINO KA BA???

Gusto kong itanong…

Gusto kong sumigaw!

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Tumingin tingin ako sa paligid.

Nasaan ako?

Bakit ang lamig?

Bakit hindi ko maikilos ang buong katawan ko?

Mismo ang mga mata ko ay hindi ko maidilat?

NATATAKOT AKO!

TULONG!!! TULUNGAN NYO AKO!!!!

Gusto kong sumigaw, ngunit walang boses na lumabas, ni hindi ko nga maikilos ang mga labi ko.

TUBIG! BIGYAN NYO AKO NG TUBIG!

Nanunuyo ang mga labi ko.

NASAN AKO!!!!

Para akong nasa isang napakaliwanag na lugar… puro puti.

Pero nawawala ako.

Gusto kong tumakbo.

Ngunit hindi ako makakilos!

Kung magconcentrate kaya ako.

Unti-unti.

Kahit mahirap, pilitin kong kumilos.

Kailangan kong makagalaw!

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon