Chapter 3

251K 3.2K 187
                                    

Chapter 3

 

Charlie

"Hello po Lolo. Good evening po.. " Ang sabi ko sa lolo ko habang nagmamano… Ine-effort ko talaga ang pagiging extra sweet at extra malambing ako ngayon sa kanya. Baka sakaling madaan sa  ganon at makalimutan na nya na late ako.

Ang sama ng tingin!!!!

Nyiiii.. nakakatakot naman kasi si lolo e. Sinasabi ko na nga ba na umuusok na ang ilong nito! Ang sungit talaga grabe, masungit pa sa old maid!

Ibinaling ko ang pansin ko sa matandang katabi ng Lolo ko.

"Good Evening din po Lolo Guillermo.. Kamusta na po kayo? " Nagmano din ako sa kanya.

Bago pa makasagot si Lolo Guillermo ay inunahan na itong magtaray ng Lolo ko.

"You are late! you know how much I hate tardiness!! " Madiing sabi ng lolo ko.. 

Nyiii… napalingon ako sa paligid at nakita kong may mga nakatingin sa gawi naming. Medyo napalakas din kasi ang boses ni Lolo at naka attract kami ng atensyon ng iba. Napahiya na naman ako! Hindi na ba matatapos ang gabing ito? Puro kapalpakan na lang ang nangyayari!

"Sorry po talaga Lolo, supper traffic po talaga." 

"You should have anticipated that!" Dumadagundong na dagdag pa ni Lolo.. lagot na talaga ako! Kung pwede lang magtago sa ilalim ng lamesa!

"Ikaw naman balae, wag mo nang pagalitan ang apo mo. She's not that late. hindi pa naman talaga nagsisimula ang event. And besides, my grandson is the one who's running late. Dapat kanina pa sya nandito. Nasan na ba ang batang yun?" Sabi ni Lolo Guillermo at ningingitian ako..

Buti pa sya mabait at understanding... Kahit noong bata pa kami, mas parang siya ang tunay na lolo ko. Naaalala ko na palagi nya akong tinatawag at binibigyan ng candy kapag may mga gathering kami. His face and his smile reflect of his kind demeanor.

"Uhhmmm,, nakasabay ko po si kuya Zack sa elevator. Sabi po nya na  mag-re-restroom lang daw po sya sandali.. " 

"Aaa, very good, he is already here. I think we could start in a few minutes.” Sabi ni Lolo Guillermo at tumayo sa kinauupuan nya.

“Excuse me for a while balae, I'll go talk to my son." iniwan muna kami n lolo Guillermo at hinanap nya si Tito Isaac.

Sa kabilang table naka-assign ang mga Montemayor. nagkukwentuhan lang ang magkaibigan kaya nakaupo sandali si Lolo Guillermo sa lamesa namin.. Ang mommy ni Zack na si  Tita Camille pa lang ang nakaupo sa naka-assign na table ng mga Montemayor. I smiled while looking at her, she really looks regal like a queen. Tahimik lang sya but she commands attention. Napakaganda nya at hindi RETOKADA!

Naramdaman kong nagrereklamo ang tyan ko.

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon