Chapter 8

225K 2.7K 114
                                    

CHAPTER 8

Charlie

Mag-ga-gabi na nung nakaalis kami sa resthouse ni Kuya Zack.. Sinulit ko muna yung ganda ng place at hindi ko alam kung kelan ako makakabalik dito. Sabi nga ni Kuya Zack, ito ang kanyang safe haven. Baka ito na ang una’t huling punta ko dito. Baka next time hindi na nya ako i-allow makarating dito. Ginamit ko na lang ang camera ng cellphone ko para ma-capture ko ang magandang tanawin. Though I’m not satisfied about the quality but it’s good enough as a souvenir...

Syempre nag-gather ako ng napakaraming lakas ng loob. Nagdasal na rin ako ng bonggang bongga.  Hindi ko alam kung anong madadatnan ko sa bahay. Hindi ko alam kung papano ko haharapin ang pamilya ko. Baka kagabi umuusok pa lang ang tenga ng lolo ko, baka ngayon umaapaw na ang lava at nagbubuga na ito ng apoy! SCAARRRYYYYY!!!!! Huhuhuhuhuhuhu! Ayoko namang maging litson!!! Waaaaa!!!

Anong sasabihin ko sa kanila? Paanong explanation ang gagawin ko? Hindi naman ako pwedemg magsabi ng totoo. Nakasabi sa kontrata na walang makakaalam ng arrangement namin mas lalo na ang pamilya...

Paano ko haharapin ang ate ko? Pakiramdam ko kasi, parang inagawan ko sya. And who knows what she’s thinking right now. Baka pinakukulam na nya ako… Kaya ba masakit ang balakang ko? nyiiiii…. Pinapakulam na nga yata ako non! Ayoko pang mamatay!!! Wag naman sana, gusto ko pang mabuhay ng mahaba, marami pa kong pangarap… Ay teka! Nahulog nga pala ako sa kama kanina kaya masakit ang balakang ko.. heheheh… PARANOID! Ganito ba ang feeling ng guilty?

Medyo traffic, inabutan kami ng rush hour. Mas ok na to, hindi naman kami nagmamadali. Mas matagal, mas maganda. Wish ko lang na magkabuhol buhol ang mga sasakyan ng bonggang bongga para madelay ng husto ang pag-uwi namin!

Maingat din mag-drive itong si Kuya Zack. Hindi ako hihimatayin sa sobrang takot, hindi katulad ni Kuya Andrew na akala mo ay hinahabol ng demonyo kung makaharurot ng kotse. Kahit rush hour ay napakabilis pa rin mag-drive!

Kahit na anong gawin ko, kinakabahan talaga ako. Pilit ko mang tanggalin ang isip ko dito ay hindi mawala-wala ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Haaayyy,, tibayan mo na lang ang loob mo. Sanay na rin naman ako sa sermon. Deadma na lang kung may mga salita mang hindi maganda. Pinasok ko to, dapat paninindigan ko to! Oh God, please help me naman po… Nagbuntung hininga ako…

Nagulat ako ng hinawakan ni Kuya Zack ang ice cold na kamay ko... Exage lang, hindi naman ice cold, slight lang.. hehehehe.

Tinitigan nya ako. I looked in his eyes and saw his concern. It’s as if he’s trying to assure me.

“We can do this.. trust me… Ako bahala sa yo. And besides, this is my idea. You have nothing to be sacred of. Ok, Charlie? “

Waaaaahhhh!!! tunaw na naman ako… kainis naman tong mukha ko ang init na naman… beet red na naman siguro ako… Pamaypay please!!!

Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya, at hinawak hawakon ko ang pisngi ko…. Nyiiiiii.. nahihiya ako sobra!!! Tumingin na lang ako sa bintana… para hindi nya mapansin na sobrang namumula na ang mukha ko… Buti na lang at madilim dilim na… Siguro naman ay hindi na nya naaninag ang mukha ko.

“Kuya Zack, kapag may mga difficult questions ikaw ang sasagot a… “

Wala na nga ako sa katinuan ko… Difficult questions? Ano to game show? Ayan kasi taranta na ako kanina, dinagdagan pa nitong pagka-gwapo gwapong lalakeng ito na kung makatitig para kang nila-lazer beam at agad agad na matutunaw ka! Ayan tuloy kung ano anong mga sinasabi ko! He must think that I’m an idiot or something.

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon