Chapter 5

230K 3K 168
                                    

Chapter 5

 

Charlie

"Ano ba namang klaseng Refrigerator to! Walang kalaman-laman! Kahit tubig na malamig wala!"

Sinara ko ang ref.. kanina pa ako naghahanap ng kahit konting makakain...wala!... wala kasing nakatira dito sa resthouse ni kuya Zack kundi yung isang katiwala lang.. tinanong ko rin sya kung may stock sya kahit junk food man lang.. wala rin... huhuhuhuhu.. ano ba ito.. titirik na ata ang mata ko sa sobrang gutom! Nagtamtampo na sa kin talaga ang mga alaga ko!

"Naman kasi kuya Andrew! Dito pala tayo pupunta sa bundok na to.. sana man lang nag-stop over muna tayo sa convenience store..Gutom na gutom na ko! Hindi mo man lang ako pinagbaon!"

"BAON! Ano ka bata?! Saka isa pa… Anong Kuya Andrew ang pinagsasasabi mo dyan. Andrew lang.. mukha akong tumatanda sa 'yo.. Manahimik ka nga dyan… yaan mo darating na si Zack."

"Parang 10 years mo nang sinabi yun a wala pa rin sya! tawagan mo naman o.."

"Wala ngang signal dito! Ilang beses ka bang pinanganak? Bakit ba ang kulit mo!"

Hay nako, ayoko ng makipag-argue, walang patutunguhan, palagi na lang akong supalpal.

Parang wala na kami sa kabihasnan,, pero wala pang isang oras namin tinakbo itong bundok na to.. Pero hindi ko rin talaga masabi kung malapit lang talaga itong lugar na to dahil sa sobrang bilis magpatakbo ni Kuya Andrew! Parang hinahabol ng demonyo! Mabuti na lang at bata pa ako, kung hindi, kanina pa ako inatake sa puso!! I promised myself na hindi na ako sasakay kung sya lang ang driver, ever!!!

Malaki ang lupa ni kuya Zack.. pero maliit lang yung cottage.. maaliwalas.. cute.. cozy.. parang bahay kubo sa labas,, pero wag ka.. pagpasok mo, high tech! With matching home theater pa sa salas. pero kahit high tech,, native inspired pa rin ang interior… I’m impressed dahil maganda ang taste ni Kuya Zack.  

Naupo na lang ako sa salas, wala naman akong magagawa kundi mag-intay, at ayaw ng lumabas ulit ni Kuya Andrew para bimili ng pagkain, hindi ko alam kung tinatamad o talagang gusto lang nya akong i-torture… I think it’s the latter….

Tinignan ko ang oras.. mag-a-alas Dos na ng madaling araw.. Nagkwentuhan na lang kaming dalawa, pampalipas oras, habang inaantay si Kuya Zack. Maski papano ay nakilala ko ng konti si Kuya Andrew, ang heartthrob ng bayan… May pagka presko but in fairness… kahit na pilyo pala yong taong yon, may tinatago din naman palang kabaitan.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Sabi ni Kuya Andrew.

"Hindi nga ako makatulog, nagugutom nga ako... and besides, makakatulog ba naman ako ng walang nalalaman kung anong mga nangyari? Ano ba naman kasing klaseng lugar to, walang ka-signal-signal! Hindi naman tayo kalayuan sa kabihasnan!”

“Matulog ka na lang, ng hindi na ako nagbabantay ng batang makulit” pagbibirong sabi niya.

“Sinong bata? At sinong makulit… as far as I know.. ikaw dito ang makulit.”

He chuckled.

“Pagtiisan mo na lang ako dahil iintayin ko talaga si kuya Zack,, Baka naman joke joke lang to..Hmmm teka… I have a very good idea!”

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon