16 Part 4

66 1 0
                                    

N o v e m b e r  3 0 ,  2 0 1 4

Tanghali. Matirik ang araw. Nakatanggap ako ng text mula kay Kat. Hindi na daw siya papasok. Lumipat na ito ng school. Nagtanong ako kung bakit. Pero hindi na siya nagreply. Tinawagan ko. Pero kagaya ng parati, nakapatay na ang cellphone niya.

Nagbihis ako. Civilian. Doll shoes na green.  Pantalon na maong. T-shirt na white. Nakalugay ang buhok.

Sa tapat ng apartment. Nakabantay ang security guard na nakauniporme sa kulay na blue. Katabi niya ang isa pang security guard na nakaupo. Hinarangan niya ako hindi pa man ako nakakahakbang papasok.

            “Yes po sinong hanap nila?”

Magalang na sabi nito.

            “Bestfriend po ako ni Kat. Kat Montalban. Room 604.”

            “Ay Ma’am. Pinalayas na po si Ma’am Kat ng management.”

            “Ha? Bakit naman daw po?”

Huminto ang pagkagara-garang sasakyan sa tapat namin. Halatang pagmamay-ari ng mayaman. Parang pang racing car na kulay red.

            “Hi Sir.” Salubong sa kanya ng gwadyang kausap ko kanina.

Nakashades ang lalaki sa pusturang pang opisina na may dalang black briefcase. Dumaan ito sa harapan ko sabay pasok ng gate. Sinundan siya ng guwardya papasok.  Kinuha ang briefcase. Ibinilin ng gwardya sa isa pang gwardya na magbantay muna. Itinanong ko sa naiwang gwardya kung anong nangyari kay Kat pero naging busy ito nang biglang mag-ring ang telepono.

Umupo nalang muna ako sa halamanan habang naghihintay. At nang matapos ito sa kausap ay agad akong sinita sa pagkakaupo ko sa halamanan. Para akong asong pinalayas na akala ke ganda-ganda ng apartment. Nainsulto ako. Nainis at nag-apoy sa galit. Hindi ko na kinausap yung guard. Umalis nalang ako pero tumitig muna ako ng masama.

Umalis ako. Naglakad sa kalsada. Hindi na ganoon katirik ang araw. Maraming sasakyang dumaraan pero walang mga vendors sa kalsada. Mukha namang pribado ang kinalalagyan ng areang ito.

The number you have dialed is busy at the moment. Please try your call later.

Nakailang reject si Kat hanggang sa hindi na ito muling nag-ring pa.

###

TO DENYWhere stories live. Discover now