6 Part

132 3 0
                                    

SIXTH PART

"Kat salo!"

Hinagis ko kay Kat ang backpack ko bago siya pumasok sa bus na kulay orange. Nakasuot siya ng sandong kulay neon pink, pantalong white at  suprang kulay pula. Nakalugay ang buhok at naka sumberong kulay brown.

Nasalo niya ang hinagis ko saka pumasok ng bus.

 Tumakbo ako papuntang kubeta. Maraming tao sa paligid na may kanya-kanyang hinihintay. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng pampublikong ihian. Naamoy ko.kaagad ang panghi pero nagpatuloy pa din ako. Mayroong basag na salamin sa dingding. May lababong sira na ang tiles. At may malaking balde na mukhang pinaglumaan na ng panahon.

Tahimik. Walang tao. Pero may naaamoy akong ebak. Mukhang may tumatae sa nakasarang cubicle. Umiri siya na parang.nahihirapan. Tumunog ang pahabol na taeng ayaw lumabas. Napahawak ako ng bibig ko na parang gustong iluwa ang kinain kong galunggong kanina.

Nagmadali akong pumasok sa katapat kong cubicle saka inilabas ang lahat ng tubig kong sinalang na ng dalawa kong mahiwagang bato.

Nagmadali akong suutin ang pantalon ko. Pagkalabas ko ng cubicle, naghuhugas na ng kamay yung babaing umiebak kanina. Maikli ang buhok niya na makapal ang makeup. Marami na siyang wrinkles at sa tingin ko nasa singkwenta na ang edad niya. Nakasuot siya ng maikling palda, at tube. Maghuhugas din sana ako ng kamay pero parang nandiri akong dumikit kay Ate. Naalala ko si Broom sa kanya.

Nagmadali akong lumabas saka tumakbo papunta sa bus namin. Birthday ni Sir Kaloy ngayon. At dahil kami ang paborito niyang estudyante, nanibre siya sa amin. Wala naman kasi siyang pamilya. Mukha siyang loner at pagod ng mabuhay. Yung gan’ong pustura? Ganoon yung tingin ko sa kanya. Siguro wala siyang magawa sa pera niya kaya nanglibre nalang siya. Katuwa naman. Yahoo! Bukod sa pamamasyal. Makatutulong din ito para sa touring skills ko.

First choice ko talaga ang Tourism. Pwede kasi akong mag all around the world, yun nga lang 'kung' mapadeployed ako sa magandang kumpanya. Pero hindi naman dapat ako umasa sa 'magandang' kumpanya. Syempre ang hanap din non isang 'magaling' na empleyado. Kaya dapat, maging magaling din ako!

"Lahat ba nandito na?" Sabi ni Sir Kuloy na nasa tabi ni Manong Drayber. Nakashades siya. Nakapolong dilaw na kupas na. Nakapantalong may butas sa tuhod at naka rubber shoes na kulay itim.

"Saglit lang! Saglit saglit!!" Sigaw ko habang tumatakbo papasok ng bus habang nakataas ang kanang kamay.

Narinig ko kaagad ang hiyawan ng mga kaklase ko nang makapasok ako. Lahat sila tuwang tuwa, kaya naman mas naramdaman ko ang espiritu ng adventure! Shit! Mas na-excite tuloy ako!

"Oh wala na ha?!" Sabi ni Sir Kuloy habang binibilang kami gamit ang hintuturo niya.

"Oh sakto kayong treinta'y syete! Dapat hanggang mamaya treinta'y syete pa din kayo! Tandaan niyo 'yang mga katabi niyo. Pag may nawala, sabihin niyo kaagad. Malinaw?!"

"Yes sir!!!!"

Lahat kami naghiyawan. Umupo si sir Kuloy sa pinakaharap. Umandar na ang bus at mas lalo kaming naexcite.

Suot ko ngayon ang paburito kong shorts na white. T-shirt na black na may print ni Mickey Mouse. Habang nakapalupot sa bewang ang jacket na pink. Nakaconverse na brown at nakaponytail ang buhok.

TO DENYWhere stories live. Discover now