16 Part 3

64 1 0
                                    

N o v e m b e r  2 9 ,  2 0 1 4

 

Gabi. Sa loob ng kuwarto ko. Madilim. Nakahiga ako sa kama ko.

“Kit!”

Tawag sa akin ni Mama sa labas ng kuwarto ko. Tumayo ako at binuksan ang pintuan.

            “Bakit?”

            “Andito si Zeyn.”

Lumingon ako sa sofa namin. Nakaupo siya at nakangiti.

Dahan-dahan kong isinara ang pintuan ko. Lumapit ako sa kanya. Umupo sa tabi niya. Bumulong ako sa kanya.

            “Anong ginagawa mo dito?”

            “Bakit?”

            “Sira ulo ka ba?”

            “Ha? Haha.”

Tinignan ko si Mama. Si Papa. Pero nasa kuwarto na sila.

            “Sabi ko, bakit ka nandito?”

            “Sabi ko sa Mama mo, hihiram ako ng notes. Bakit?”

Napasitsit ako ng dila aktong nadidismaya.

            “Anong notes?”

Tumawa siya.

            “Joker ka talaga. ‘Yan ang gusto ko sa’yo e.”

            “Hindi ako nakikipagbiruan Zeyn.”

Pumaling ako ng tingin sa kuwarto nila Mama. Natatakot ako na baka lumabas ito at kung ano ang isipin.

            “Wag ka ngang matakot Kit. May ginagawa ba tayo? Masyado kang guilty.”

Luminga muli ako ng tingin kina Mama. Pero hindi pa man ako nakakabalik ng tingin kay Zeyn, agad niya nang inilapat ang labi sa akin. Napaatras ako kaagad ngunit mas lalo niya lang idiniin. Naramdaman ko ang dila niya na parang gusto kong isuka sa pandidiri.

Itinulak ko siya saka sinampal ng pagkalakas-lakas.

Lumabas si Mama mula sa kuwarto nila.

            “Ano ‘yan? Ano ‘yon? Anong nangyari?” Sa nerbyosang tono.

            “Ha?” Tumayo ako. “Wala Ma. Ano kasi.. may lamok. Ah oo.”

Tumingin siya sa mukha ni Zeyn. Sapagkat maputi, agad na bumakat ang palad ko sa pisngi niya.

            “Bakit? Ay hijo! Nako! Sinampal ka ba ng anak ko?”

Lumapit si Mama at aktong hihimasin ang pisngi ni Zeyn.

            “A.. hindi naman po Tita. Napalakas lang siguro ang paghampas sa lamok.”

Ngumiti siya sa akin. Malalim ang mga mata na parang may gustong sabihin. Kinabahan ako.

Tumayo si Zeyn at inayos ang kanyang gusot na damit.

            “Uuwi na po ako.”

            “Gan’on ba?  Ah sige, mag-iingat ka. Ihatid mo nga sa gate Kit.”

Nanlaki ang mga mata ko.

            “AYOKO.”

Nagulat si Mama.

            “Ah.. ano kasi. Naiihi ako. Sige, ba-bye.”

Umiwas agad ako ng tingin sabay pasok sa c.r. Malakas ang pagkakasara ko nito na parang pati sarili kong tainga ay nabingi. Sumandal ako sa likod ng pintuan at agad hinawakan ang dibdib kong sobrang kumakabog.

Ilang segundo. Minuto. Kalahating oras. Lumabas na ako ng c.r. Wala ng tao. Patay na ang ilaw. Sinilip ko ang bintana kung wala na si Zeyn. Wala na nga ito.

Pumasok ako sa kuwarto ko. Nagba-vibrate na ang cellphone ko nang makapasok ako. Kutob kong si Zeyn ang tumatawag pero nagkamali ako. Si Kat ito.

“Hello Kat? Bakit?”

Tumawa-tawa ito na parang wala sa sarili. May narinig akong boses ng lalaki. Parang si Broom. Para silang nag-uusap na sila lang ang nagkakaintindihan.

“Hello Kat?!”

“Hi......Kit.......Nobyeymberrr........... Ti—tiyerti...... Tweynti..... fooo....fooortin.”

Toot Toot Toot.

 

 

“Hello Kat?!”

Napalakas ang sigaw ko. Agad kong i-denial ang number niya pero patay na ito.

 ###

TO DENYWhere stories live. Discover now