12 Part

126 2 0
                                    

Nanlalaki ang mata namin ni Zeyn habang pinapanood si Mama na pumapasok mula sa pintuan. Nakasuot siya ng apron at duster na kulay pulang hanggang sa tuhod niya.

Sumigaw si Mama.

“Kit?!” Nanlalaki ang kanyang mga mata. Namumula ang mukha. Mistulang parang tigre na gustong umatake.

 “Ha? Ah.. a, Ma. Si Zeyn pala. C..Classmate ko.” Nangangarog ang tuhod na tugon ko.

Nanlamig ang pawis ko. Nagkaroon ng ratatat-combat sa utak ko. Parang naglalaban ang mga nerve cells ko at gustong lumabas sa butas ng tainga, ilong, mata, bibig at anet ko!

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero alam kong naghihinala na si Mama. At alam ko ding tama ang hinala niya.

Tumingin ako kay Zeyn. Nagpatulong ang mga mata ko na sumenyas na siya ang dapat magpaliwanag. Mali.. siya pala ang dapat magpalusot.

Mag-isip ka.. mag-isip ka... mag-isip ka!

Ipinaling ko ang paningin kay Mama. Agad niyang tinitigan ng masama si Zeyn. Nanginginig na lumapit si Zeyn sabay mano.

“Good morning po Tita.”

Hindi pa man nagsasalita si Mama, ako na ang tumugon sa mga tanong niya na hindi masabi ng kanyang bibig.

“Ah Ma.. napadaan lang siya para hiramin yung notes ko.. Malapit na kasi midterms namin.”

Nginitian ko si Zeyn na may halong kaba. Ngumiti din siya sa akin na parang na-gets niya na ang dapat niyang gawin.

“Ahh opo. Kasi po, kailangan kong mag-aral ng maigi. Lalo pa’t may hinahabol akong scholarship. Hehe.”

Sinubukan kong kalamahin ang sarili ko pero mukhang hindi namin nakumbinsi si Mama.

“Notes? Hindi ba pwede 'yang notes na 'yan bukas? At bakit wala kang saplot, ha?”

Muli akong nangatog. Pero hindi na nag-isip ang utak ko nang sasabihin. Agad nang nagsalita ang bibig ko.

“Ah.. Napadaan lang kasi siya Ma. Kagigising niya lang. Diyaan lang siya nakatira sa kabilang kanto kaya hindi na siya nagdamit.”

Bigla akong napatingin sa sando ni Zeyn na nakapatong sa upuang nasa likuran ng lamesa. Mas kinabahan ako.

Matalas ang titig sa akin ni Mama na parang gusto akong bulyawan.

“Sigurado kayo?!”

 “Opo.” Sabay naming sagot ni Zeyn.

Sa loob ng limang segundo ay nagkatitigan lang sina Mama't Zeyn. Sunod ay ako naman ang tinitigan ni Mama. Nababatid ko mula sa bibig ng kanyang mga mata na nabawasan na ang tiwala niya sa akin. Na mayroon na siyang pagdududa patungkol sa katapatan ko.

Bago pa man dumiretso sa kwarto si Mama ay tumitig muna siya ng masama kay Zeyn. Nang makapasok siya, agad kong kinuha ang damit ni Zeyn at inihagis sa kanya. Agad siyang tumakbo palabas ng bahay namin. Humarap ako sa lababo at huminga ng malalim. Naririnig ko ang kabog ng dibdib ko. Ito ang unang beses na nagsinungaling ako kay Mama.

TO DENYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon