15 Part

98 2 1
                                    

Agad akong kumalas kay Zeyn. Hinatak ko siya patakbo sa gilid ng katabi naming bahay. Sa dingding kung saan hindi mapapansing merong taong nagtatago.

“Garyo asan na ba ‘yang anak mo? Gabing-gabi na, a!”

“Hay nako. Ikaw talagang matanda ka. Masyado kang nag-aalala sa anak natin! Ano ka ba?! Matanda na si Kit. Hindi na ‘yon bata na dati’y karga-karga mo pa. Halika na nga lang at kumain muna tayo. Maya-maya andyan na ‘yan. Tara na. Pumasok ka na. Baka mahamugan ka par'yan.”

Narinig ko muli ang kalansing ng gate namin. Mas kumabog ang dibdib ko kumpara kanina. Nang madinig kong isinara na ng tuluyan ni Mama ang gate namin, huminga ako ng sobrang lalim!

            “Kamuntik na.”

Mahina bagamat puno ng pag-asa kong sabi. Dahan-dahan akong tumingin kay Zeyn na kanina pa palang nakatitig sa akin. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti din ako. Hahalik pa sana siyang muli pero ipinaling ko na agad ang paningin ko palayo sa kanya. Tama na ang pangalawang beses na halik. Hindi ko na kaya ang pagtaksilan pa ang mga magulang ko.

Lumabas ako mula sa dingding.

           

“Wala na si Mama. Umuwi ka na.”

Nalungkot ang kanyang mukha.

           

            “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”

            “Sinagot ko na Zeyn.”

            “Hindi mo sinasagot ng totoo.”

            “Please? Zeyn? Totoo ‘yun. Ayoko pa. Ayokong magalit sila Mama.”

            “Pero hinalikan mo din ako.”

Tumaas ang magkabilang kilay ko. Nagulat ako sa sinabi niya.

“Gusto mo din ako. Pero ayaw mo lang aminin. Kasi magagalit ang Mama’t Papa mo. Kasi natatakot ka. Papano kung... merong paraan para hindi sila magalit?”

Naging interisado ako sa susunod niyang sasabihin.

            “Liligawan mo ako sa harap nila?” Tanong ko. Pero umiling siya.

            “Itatago natin ang relasyon.”

            “A-YO-KO!”

Tinalikuran ko siya at aktong papunta na sa tapat ng bahay namin pero hinala niya na naman ang braso ko.

“Kit. Mag-isip ka nga. Sige, papayag akong ligawan ka sa harap ng mga magulang mo. Pero sa tingin mo papayag sila? Hindi sila papayag Kit!”

Mahina ang boses niya na parang bumubulong. Natatakot at baka marinig nila Mama ang kanyang boses.

Hinila ko ang braso ko na hawak niya.

            “Ayoko.”

TO DENYWhere stories live. Discover now