23 Part

100 1 0
                                    

Nasa rehab na si Zeyn. Hindi ko na siya muling dinalaw pa. Umuwi ako sa probinsya namin. Sabi ko kina Mama’t Papa, dito nalang muna ako sa Bulacan. Hindi ko man siguro makalimutan ang lahat, paunti-onti, matatanggap ko din ito. Kailangan ko lang pag-aralan kung paano makitungo sa kung ano na ang hindi ko na mababago pa.

Hindi ko nakitang nagwala si Papa. Pero alam ko ang hinanakit niya. Nasa loob. Parang gustong sumigaw ng halimaw niya sa loob para ipaghiganti ang anak niya. Isa siyang guard. May hawak siyang baril. Kaya niyang patayin ang sinumang manakit sa amin. Pero hindi niya ‘yon ginawa. Hindi siya pumatay. Hindi siya nanakit. Sabi niya, punong puno siya ng galit. Galit kay Zeyn, at galit sa sarili niya. Hindi niya daw mapatawad ang sarili niya dahil hindi niya ako naprotektahan, kagaya nang palaging sinasabi ni Mama. Pero mas lalong hindi niya daw mapapatawad ang sarili niya na makita ko siyang pumapatay.

Nakakalungkot. Dahil sa katangahan ko, mas nagdudusa ang mga magulang ko. Mas nagsisisi sila kaysa sa akin. Mas ipinadama ko pala sa kanila na wala silang kwentang magulang dahil hindi nila ako naprotektahan. Ayaw ko mang ipadama sa kanila iyon, hindi man yuon ang nais kong maramdaman nila, yuon pa rin ang tumatakbo sa isipan nila. Kasalanan ko ‘to. Hindi kasi ako nakinig sa kanila.

  

Naniniwala ako na may karma. Na hindi man ngayon, magbabayad ang tunay na may sala. Hindi ko man makita, alam kong meron nang Nagmamatyag. Hindi ko man malaman, alam kong dadating din ang kabayaran. Dahil ang lahat ay hahantong sa kamatayan. Dito masusupil kung saan dapat mapadpad ang kaluluwang ipinahiram.

Lahat tayo may demonyo sa loob. Kaya siguro binigyan tayo ng Diyos ng utak. Para suriin kung ano nga ba ang dapat nating gawin. Pero ang demonyo ang bumubulag sa atin kung ano ang karapat-dapat.

Pero tayo ang nagkokontrol sa utak natin. Kung ano ang iutos natin sa utak natin, maaring hindi niya gawin, dahil meron tayong gustong gawin. Pero may konsensya tayo. Yuon ang pipigil ng gustong gawin ng utak natin.

Buntis na ako ngayon. At habang nagpapacheck up, nakasabay ko ang foreigner na nasa Puerto Galera noon. Nalaman kong nagpapacheck up din siya dito. Kunyari hindi ko siya kakilala. Kunyari wala akong alam sa kanya. Kinausap ko siya. Tao sa tao.

Sabi ko sakanya buntis ako. Pero hindi ko na naikwento na bunga ng kahapuyan. Nag-congrats siya. Pero hindi ako nagpasalamat. Itinanong ko kung anong sadya niya dito. Sabi niya nitong nakaraan niya lang nalaman ang sakit niya. Sabi niya, meron daw siyang AIDS.

 

Nanigas ang dibdib ko nang madinig ko iyon. Nanglumo akong muli. Muli kong naramdaman ang kawalan ng pag-asang mabuhay.

Kung ang foreigner na ito ay may aids. At naging katalik niya si Zeyn. Malamang meron na ding aids si Zeyn. At dahil ginahasa ako ni Zeyn, malamang meron na din akong aids. Hindi ko man alam kung sino ang tatay nitong batang dinadala ko, kung si Zeyn man o ang taxi drayber, nakasisiguro din akong may aids na din itong ipinagbubuntis ko.

 

Gumuho ang mundo ko.

Tumigil ang oras ko.

Napagtanto ko. Hindi pala ang paggamit ng droga ang kasuklam-suklam para sa mga kabataan. Ang kasuklam-suklam, ay yuong hindi mo pagsunod sa tuntunin ng mga magulang mo.

Kung nakinig lang sana ako. Kung naniwala sana akong mas tama sila. Kung hindi sana ako nagmarunong. Kung hindi sana ako nagpadala sa nararamdaman ko. Kung naging matalino lang sana ako. Kung hindi sana ako nagpaka-bobo. Maayos pa sana ang buhay ko.

 THE END.

- Girllivingtodfullest (Girl   living   to   d   fullest)

TO DENYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon