Chapter 20 - In Between

7.7K 214 8
                                    

NOTE: REVISED. Editing ang grammar check will follow.

Haley's POV

"Kailan ba naging mineral water 'yang alak Neon?" Lumingon siya sa akin panandalian pero mabilis ding binalik ang atensyon nito sa kopitang nasa lamesa. "May problema ka ba?"

I walk towards him at umupo sa tabi nito. Hindi nito sinagit abg tanong ko kaya kinuha ko yung baso sa kamay niya.

"Ano bang problema mo?!" Nagulat ako sa taas ng boses nito. Neon don't usually talk in Filipino. It's either gusto niyang magsalita o kaya ay galit siya. In this case, halatang galit siya. "Leave me alone, will you?"

Iritable nitong inagaw ang baso sa akin. Hindi ko na muling kinuha yung baso sa kamay niya. "Hindi solusyon ang alak sa problema mo. Why are you leaning on alcohol whenever you feel lost? Isang gabi lang ang epekto niyan, paggising mo babalik din ang lahat."

"Alcohol gives me time to forget even for a short time. Gusto kong makalimot. Gustong-gusto kong makalimot Haley."

Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita nito. I saw him act this way before.

"Tama na." Tangkang iinumin nito yung nasa baso. "Please."

Unti-unti niya naman iyong ibinaba.

"M-masama ba akong tao?" Humarap siya sa akin. May luhang nagbabadya sa mga mata nito. "I didn't mean everything Haley. Is this my karma after all?"

"You did nothing wrong." Isang pekeng tawa ang pinakawalan nito. If he's hurting, then I am as well.

"Avery is my karma Haley."

"Huwag mong sabihin 'yan. I told you, you did nothing wrong. What happened in the past was all in the past. Eunize... Eunize understands."

Nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Kinuha nito ang baso at agad hinagis sa malapit na pader. Napatakip ako ng tainga dahil doon.

"Neon."

Tuluyan na itong napaluha. Tumango ito sa lamesa at patuloy na umiyak. Tinapik tapik ko ang balikat niya. Sa ngayon kailangan niya ng kasama.

"It was my fault Haley."

Hindi ako sumagot.

Hindi niya kagustuhan ang nangyari. Hindi niya kagustuhang mawala ang isa sa mga taong pinakaiingatan niya.

Hindi niya kagustuhang mawala si Eunize sa buhay niya.

Avery's POV

Maaga akong pumasok dahil mangongopya pa ako ng assignment. Masyado akong maraming iniisip kahapon kaya hindi ko nagawang mag-atupag ng ibang bagay.

Hindi kasi mawala s aisip ko yung katotohanang naamin ko na sa sarili ko. Sana may kakapitan pa rin ako. Sana hindi ako dumausdos ng tuloy tuloy. Baka kasi walang sumalo sa akin pagdating sa dulo.

Pagkabukas ko ng pinto ay isang tao lang ang ang nadatnan ko.

At kung sinuswerte ka nga namna ay siya pa talaga ang narito. Hindi ko siya magawang matingnan ng maayos. Nagdire-diretso ako ng lakad papunta sa isang solo sofa at doon naupo.

"Avery."

May kasabihan nga talagang kahit gusto mong iwasan hindi mo maiiwasan. Alangan namang hinfi ko siya pansinin.

"Bakit?" Nag-angat ako ng tingin at nagtama agad ang mga mata namin. Gusto kong unang magbawi pero parang may magnet na humahatak sa akin at hindi ko matangal ang tingin ko sa kaniya.

"Can we talk?" seryoso nitong saad.

"Go ahead." Tumayo namna siya at lumapit sa akin. Aba't bakit kailangan niya pa akong lapitan?

Meet The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon