Chapter 27 - It's him

7.3K 161 3
                                    

NOTE: REVISED. Editing and grammar check will follow.

Raven's POV

"Anong nangyari doon?" takang tanong ni Phillo. "Baka may ginawang kahalayan kaya tumatakas!"

"Ang bastos ng bibig mo kambal!" Binatukan pa siya ni Zero.

Kaya't nauwi sa batukan ang dalawa. Napatingin namna ako sa pintuang nilabasan ni Neon. Ilang araw lang akong nawala parang ang dami ng nangyari.

"Akyat lang ako" Napatingin naman silang lahat sa akin.

Sakto ring dumating sila Ashley, Drimmer, Zyrene at Minji. Napatingin ako sa gawi ni Zyrene. Ngumisi lamang ito ng nakakaloko bago umupo sa isa sa mga silya na naroon. Sumunod naman sila Ashley at Minji.

Hindi maganda ang kutob ko.

"Raven nakabili ka?" Napatingin naman ako kay Drimmer at tumango. Umaliwalas ang mukha nito at sumama na sa agawan nila Zero sa mga dala ko.

"Puntahan ko lang si Avery."

"Katatapos lang ng isa, susunod ka naman." Hindi ko na pinatulan ang sinabi ni Phillo.

Agad kong hinanap ang kwarto nito at kumatok. Agad namna itong bumukas kaya muntik ko nang matamaan yung noo niya kung 'di ko lang agad napigilan ang kamao ko.

"Ang hilig niyong puntiryahin ang noo ko."

"Niyo?"

"Ni Neon." Tumikhim pa ito matapos sabihin ang pangalan ng isa. "Welcome back! New look ah. Bagay sa'yo."

"Well... " Natawa naman ito. "May nangyari ba kanina? Bakit nagmamadali si Neon?"

Hindi naman ito nakasagot.

"Avery?"

"May gagawin ka ba? Samahan mo naman ako." Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Sige." Nanguna na itong bumaba at sumunod ako.

Ganoon pa rin ang eksena sa baba ng madatnan namin. Hindi na namin pinagaksayahn iyon ng oras at dumiretso sa kotse ko. May gusto daw siyang puntahan.

Hanggang sa napadpad kami sa lugar kung nasaan siya. Kung nasaan si Euinze. Naunang bumaba ng kotse si Avery, sinundan ko lang siya.

Hindi ko maiwasang malungkot tuwing tatapak ako sa lugar na ito. Parang kahapon lang lagi ang lahat. Parang kahapon lang buhay pa siya. Parang kahapon lang kasama ko pa siya. Parang kahapon na ilang taon na ang nakalipas.

Tumigil si Avery sa puntod nito.

"Eunize." Umupo ito at marahang hinaplos ang lapida. "Can I ask you something?"

Nakatingin lang ako sa kaniya hinhintay kung anong gusto niyang sabihin.

"Do you regret everything?" Nag-angat siya ng tingin. Matiim niyang pinagmasdan ang langit at tumigil lamang ng walang makuhang sagot mula roon. Tumingin siya sa akin pagkatapos. "Raven, kilala mo si Eunize."

It was a statement.

Napabuntunghininga ako. Hindi ko alam kung bakit napakabigat pa rin pag-usapan ang bagay na ito.

"We were classmates. We were friends."

"But you didn't tell me. You knew I know her pero wala kang sinabi. Bakit?" Naging seryoso na ang boses nito.

"I thought it wasn't necessary."

"It is." Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Avery. "She's my bestfriend. Marami akong bagay na pinagsisihan simula ng nawala siya. Marami pa akong gustong sabihin sa kaniya ng harapan. Marami pa akong gustong ikwento sa kaniya. Marami pa Raven. Maraming-marami pa."

Meet The RoyaltiesWhere stories live. Discover now