Chapter 12 - Sorry

10.6K 240 2
                                    

Note: REVISED. Editing and grammar check will follow.
-----

Avery'sPOV

Start your day with a smile. Kalokohan ang bagay na 'yan! Panira ng araw yung unggoy na 'yon. Tumataas ang alta presyon ko!

Kung hindi ba naman loko ang taong 'yon, edi hindi niya ako paglilinisin ngayon ng kotse niya. Kung ako lang sisipain ko 'to nang sisipain hanggang maging nayuping lata. Kaso mahal eh. Napakamahal ng kotse niya!

Asar!

Kung bakit ba naman kasi naalala pa nito yung pustahan namin eh. Akala ko nawala na sa isip niya.

Mas lalo akong naaasar pagnaalala ko yung usapan naming dalawa.

"Floor kisser." Napaangat ako ng tingin nang marinig ko 'yon. Seryoso ang mukha nito na hindi naman bago sa paningin ko.

Kasalukuyan akong nasa field ng school at nakaupo sa isa sa mga bench at nagbabasa ng libro.

"What?"

"You have forgotten something." Mariin ko naman siyang tiningnan.

"Wala."

"Yes, you have."

Kumunot na ang noo ko. Wala naman akong nakalimutan ang pagkakaalam ko.

"What?"

"You being my slave." Nag-isang linya ang labi ko. Oo nga pala! Nawala na sa isip ko ang bagay na 'yon dahil ilang araw na rin ang lumipas.

At haler akala ko nakalimutan niya na rin.

"I almost forgot. Pero okay lang kung kalimutan na lang talaga natin."

Umupo naman siya sa tabi ko kaya napaharap ako sa kaniya.

"That would be unfair on my part."

"Dinaya mo lang naman ako sa laro kaya nanalo ka!"

"I play clean. Losers always states the same thing like they were cheated even though they were not. But because I'm kind today I will let you choose."

Oh may pagpipilian! "Game! Ano?"

"Go on a date with me." Go on date with- Teka lang! Niloloko niya ba ako?

Namamangha ko naman siyang tiningnan. He must be kidding me. Oh boy! "Are you drunk?"

"I'm perfectly fine. I'm making you choose go on a date with me or you'll clean my car."

"Seryoso ka ba?" Tumango naman siya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Alam kong may agenda 'yung date na 'yon!

"I am."

"Ayoko." Neknek niya! Alam kong may masama siyang balak.

"Then clean my car."

"I'll give you money to take your car to the car wash. How was it?" Umiling naman ito.

"No. I want you to clean my car. Or either way you will just go on a date with me, that will be easier."

Hindi niya ako mauuto!

Meet The RoyaltiesWhere stories live. Discover now