Chapter 18 - Ano?

8.5K 214 3
                                    

Note: REVISED. Editing and grammar check will follow.

Avery's POV

Wait, what? Bata?

Napatingin naman ako kay Neon na kasalukuyang sapo ang noo niya. Nabaling din ang tingin ko sa babae. Hindi maipinta ang mukha ngayon.

"Oh goodness! Neon!" sigaw pa nito.

"Haley shut up, will you?" Inis nitong baling sa babae. "Let's go." Nagulat ako nang hilahin niya ako papalabas ng kwarto.

Pero agad kaming hinarangan nung babae. Nakataas na ang isang kilay nito at hindi ko maiwasan ang mapanuri nitong tingin.

"What now Haley?" Halata ang iritasyon sa boses ni Neon.

"Sabi ko sa'yo na 'wag mong unahin ang libog sa katawan! Ano ikaw pa ang karapatang magalit matapos na may mangyari sa inyong dalawa?"

Wait... wait... Shit! Walang nangyari sa amin!

Sasagot sana ako ng mismong si Neon na ang sumagot para sa akin. "Are you out of your mind? We do nothing!"

Umismid naman yung babae na halatang hindi naniwala sa binitawang salita ni Neon.

"You really think I'll believe that?" Napalunok naman ako nang bumaling siya ng tingin sa akin. "You let him do things to you?"

"Po?" Mukha namang hindi nito nagustuhan ang naging tugon ko.

"You fucktard! Hinalay mo yung walang muwang! Gago ka talaga." Nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Binatukan nito si Neon. Napanganga ako sa lakas non.

Hindi siya tao!

"That hurts!" Hinimas ni Neon ang natamaan niyang ulo. "Why do you even care? If we do things together then that's because we are lovers! Right babe?"

Babe? Baboy? Pig in the city? Dyusmiyo ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Babe?" Hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi nito. "Baboy talaga?"

Namula naman ito sa sinabi ko.

"You should probably get out." Nagsalita muli yung babae at akala ko ako ang sinasabihan niya pero ng tinangka kobg umalis ay pinigilan niya ako. "You get out Neon!"

"She'll come with me." Naramdaman ko ang intensidad sa pagitan nilang dalawa. Kung may problema sila sa isa't-isa aba'y 'wag na nila akong idamay!

"She'll stay here. Mag-uusap kaming dalawa." Kami mag-uusap? Hindi ko kayang isipin na maiiwan kaming dalawa rito sa kwarto. Baka ibitin niya ako ng patiwarik!

"No." Ngumisi naman yung babae.

"You'll go or I'll call your parents?" Nakita ko naman ang kakaibang emosyon na gumuhit sa mata ni Neon. May halong pagsuko sa mga ito. "Now, get out."

Bumuntunghininga ito at bumaling sa akin. "Shout as loud as you can if something bad happen."

Bigla akong kinilabutan sa sinabi nito. Parang ngayon pa lang gusto ko na pang na tumakbo palabas at sumama kay Neon. Kasalanan niya naman 'to!

At bakit ba ako naiipit dito eh wala naman akong ginagawang masama?

"Let's go." Pinilit kong bigyan siya ng matamis na ngiti kahit nagmukha iyong pilit. Lumakad siya papuntang terrace kung saan may set up ng lamesa at upuan.

May iilan ding bulaklak na display. Mula rin doon ay tanaw ang malawak na bakuran ng bahay. Napakaganda!

Nauna siyang umupo sabay tingin sa akin. "Maupo ka."

Meet The RoyaltiesWhere stories live. Discover now