Chapter 15 - Tristan and Zuko

9.1K 283 3
  • Αφιερωμένο στον/ην tizinii
                                    

Note: REVISED. Editing and gramnar check will follow.

Dedicated to sayo ^^ Una ka kasing nanghingi ng update xoxo

Avery's POV

Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos dahil sa kakaisip sa mga sinabi kahapon ni Neon. Not that it affects me, yes it doesn't. I mean sadyang nabagabag lang ako dahil anong dahilan niya para magpakalasing ng ganon?

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko papasok sa room ng tumatakbong palapit sa akin si Drimmer.

"Abe!" sabay damba ng yakap nito. Hindi naman na bago dahil may ilang beses na rin akong binati ng ganoon nitong babaeng 'to.

Sa aming tatlo ni Maurine, si Drimmee ang pinaka may sapak. Runner up lang ako.

"Oh bitaw na. Nasasakal na ako."

"Sabi ko nga eh." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "Natulog ka ba ng maayos? Bakit ang laki ng eyebags mo?"

"Wag mo nang pansinin. Yan na nga lang yung lumalaki sa akin." Natawa naman ito sa sinabi ko.

"We share the same feelings friend!" Nilagpasan niya naman ako nang dumating na rin si Spade at dinamba niya rin iyon ng yakap.

Dumiretso ako sa sofa at umupo sa tabi ni Maurine na kasalukuyang kasagutan si Zero.

"Ang pangit mo! Layo nga!" Pilit kasing lumalapit si Zero sa kaniya pero tinutulak namna siyang palayo ni Maurine.

"Ano nanaman bang kasalanan ko at para kang dragon kung magalit?"

Nanahimik panandalian si Maurine bago sumagot. "Wala. Wala kang kasalanan. I don't have anything to deal with you Zero. Manlandi ka ng iba 'wag ako. Hindi ako uto-uto."

"Yan kasi ang mahirap sa'yo Mau hindi mo ko binibigyan ng pagkakataon. You judged me without knowing the real side of the story. Kailan ka ba magbabago?"

Uhmmm... tama bang naririnig ko 'tong usapan nilang 'to?

"I won't. You will be an asshole forever Zero. I won't give you a chance. No, never."

Napatiimbagang si Zero at walang sabing tumayo at lumabas ng classroom. Pinagmasdan ko ang paglabas nito.

Bumuntunghininga ng malalim si Maurine.

"You alright?" Tumingin siya sa akin at tumango.

"He'll cool down then after that we will be back to normal. Hindi naman 'yon naapektuhan. Not that I'm affected because of him dahil hindi ko naman siya gusto."

"That... I won't say a word." Lumapit sa aming dalawa si Drimmer.

"Poor Zero." Sabi ni Drimmer na nakatingin kay Maurine. "When will you give her a chance Mau?"

"Why would I? Hindi ako tanga." Kinuha nito ang remote at nilipat ng ilang ulit ang TV na nasa harapan namin.

"Wala namang nagsabi." Singit ko.

"Are you siding him?" Nagkibit balikat kaming dalawa ni Drimmer.

Everyone in this room knew about Zero's interest to Maurine. O magandang sabihin na may gusto talaga siya kay Maurine. Kahit ako na bago lang ay alam ko na 'yon. I won't judge Mau dahil dakilang babaero naman yung isa.

O baka hindi namna talaga at facade niya lang 'yon para pagselosin si Maurine. Pwro either way hindi na dapat kaming mangielam.

Bumukas muli ang pinto at pumasok si Neon. Akala niya naman ikinagwapo niya yung just woke up look niya! Oo na ikinagwpao niya na nga! Nagkamot pa ito ng ulo bago nagtaas ng tingin. At nagtama ang mata naming dalawa.

Meet The RoyaltiesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα