Chapter 29 - Flashback

7K 139 4
                                    

Note: This was included before the revision. Pero dahil tinamad ako, ngayon ko lang 'to naedit. Ito yung sagot sa ilang plot holes ng story. Pasensya na ngayon lang.

This is a flashback so pagpasensyahan niyo na kung putol putol.

-----


"Si Neon." Napatigil si Zyrene nang marinig ang pangalan nito. She hid herself behind the old Nara tree near her.

"Bulaga!" Napaigtad siya na mula sa kung saan ay sumulpot si Eunize. Agad niya itong sinamaan ng tingin na ikinatawa lamang nito. "Saan ang taya? Bakit nagtatago ka?"

"He's here." Kumunot namang ang noo ng kaibigan niya. "S-si Neon."

"Si Neon?" Pangungumpirma nito. Tumango naman si Zyrene. Matagal na siyang may gusto sa lalaki pero hindi niya ito magawang malapitan.

He's too damn high to reach. Hindi siya agad agad nalalapitan ng kung sino lang. At isa siya sa mga kung sino lang. Except her friend Eunize. Eunize and Neon are childhood bestfriend. At siya, siya ay isang anino lang kung saan.

"You really like him?" Panunudyo pa ni Eunize sa kaniya. "You don't know what an asshole he is Zy. Kung ako sa'yo pipili na lang ako ng iba."

"Sana ganon lang kadali." Napabuntunghininga siya at bagsak ang balikat na lumabas mula sa pinagtataguan. "If only you could help me to be close to him Nize."

"Well, why not?" Ngiti nitong tugon. "I'll help you get close to him."

"Talaga?"

Sunod-sunod itong tumango. She can't hide her hapiness and she automatically hugged Eunize tightly.

"Thank you Eunize."
 

~~~~~~~~

She readied herself today. Alam niyang kailangan niyang magpaganda ngayong araw dahil ipapakilala siya ni Eunize kay Neon. She was unable to sleep last night. Sobrang excited niya ay gusto niya na lang hatakin ang oras para lang makita niya na si Neon.

Umupo siya sa isa sa mga benches malapit sa field kung saan nila napag-usapan ni Eunize. At mula sa 'di kalayuan ay natanaw niya ang mga ito. Agad bumilis ang tibok ng puso niya. She want to escape though nakakatawa dahil kagabi lang ay gustong-gusto niya na itong makita. Damn butterflies, they are making her nervous.

"Zy!" Kumaway ang kaibigan na ginantihan niya ng ngiting may halong pag-aalinlangan. Did she just smiled awkwardly? She should've practiced last night.

Nang makalapit na ang mga ito ay agad niyang tinapunan ng tingin si Neon but he was not paying attention to her. That's fine. She's not expecting anything, just his mere presence is enough.

"Neon friend ko nga pala si Zyrene." Tumaas ang heart rate niya nang bigyan na siya nito ng pansin.

Nabaling ang atensyon nito sa kaniya. She can feel her stomach turning upside down. Damn!

"Nice meeting you."

Gusto niyang itago ang pamumula ng mukha ngunit hindi niya magawa. She felt like a child being shy in this kind of situation. Get a hold of yourself Zyrene! She keeps repeating it to herself.

"S-same here." Lumipat naman sa tabi niya si Eunize at siniko siya ng mahina.

"Oh I need to go to the bathroom. Iwan ko muna kayong dalawa." At nagmamadaling kumaripas nang takbo si Eunize. Hinabol niya ito ng tingin hanggang mawala na ito ng tuluyan.

Agad naman nabaling muli ang tingin niya kay Neon. He is staring at her with an unknown reaction.

"W-we should sit there. Hintayin na lang muna nating dumating si Eunize." Nauna siyang maglakad malapit sa mga benches at sumunod siya sa likuran nito. Nakaupo na siya sa isa sa mga benches at hindi niya inaasahang tatabi sa kaniya ito.

Meet The RoyaltiesWhere stories live. Discover now