Chapter 24

4.6K 265 111
                                    

SCROLL can sense the discomfort in Alt. He looks calm pero mukhang may malalim na iniisip ito. Nasa sala na ang ina nito. Sinundo niya ito dahil gusto ni Alt na sa bahay ang mga ito magkita at mag-usap.

Nang akyatin niya ito sa bahay, tahimik lang itong nakaupo sa gilid ng kama, may malalim na iniisip. Hindi agad siya nito napansin. Kaya kumatok na siya sa pinto para makuha ang atensyon nito.

"Alt?"

Tila nagulat pa ito nang bahagya nang tawagin niya. "Scroll."

Isinirado niya ang pinto sa likod niya at nilapitan ito. "Nandito na ang mama mo. Ready ka na ba?" malumanay niyang tanong rito.

"I-I don't know." Mapait itong ngumiti. Inabot nito ang dalawa niyang mga kamay habang nakaangat ang mukha sa kanya. She could feel the uneasiness in the way he holds her hand. It was quite tight and uneasy. "Parang gusto kong mag-back-out," he chuckled.

Naupo siya sa tabi nito, bahagyang nakaharap dito. "It's okay." Umangat ang isang kamay niya para haplosin ang pisngi nito. His face softens; there was a shy smile on his face. "You'll be fine." She smiled.

"Akala ko noong una, handa na ako. That I can now see her without feeling hurt. But knowing that she's just downstairs, I'm having cold feet. I don't know if it's hate or bitterness... pero paano kung sumbatan ko siya, Scroll? What if magalit ako nang sobra at madami akong masabing masasamang salita sa kanya?"

How can this man be so kind and forgiving despite the painful past that her mother gave to him? Iniisip pa rin nitong baka masaktan nito ang ina nito. If it happened to other people or to her, malamang sa malamang, ang nasa isip nila, they deserve all the blame and hate for making our lives miserable.

And yet, here's Alt Flores, caring for his mother's feelings who have selfishly left him and scarred his heart.

"Alt, she will understand. It's okay if you feel that way. Nasaktan ka. We are still human after all. We have feelings. Pero alam ko, hindi mo magagawang saktan nang sobra ang mama mo. I know your heart." Ginagap niya ang mga kamay nito. "Kaya alam ko na, magiging maayos ang pag-uusap n'yo ng mama mo."

Malalim na bumuntonghininga ito. "I hope so."

Tumayo siya para hilahin patayo si Alt. "Lumabas ka na. Naghihintay sa'yo ang mama mo."

"Hindi ka aalis?"

"Si Manang Rosa lang ang umalis, hindi ako kasali. If you need me, nandito lang ako sa itaas. Don't worry, hindi ako makikinig. Aakyat ako sa attic." Nakangiting itinaas pa niya ang isang kamay.

"I doubt that."

Ginulo nito ang buhok niya. Napasimangot siya. Hello, kalahating oras niyang inayos ang buhok tapos guguluhin lang. But still, hindi naman siya nainis nang sobra, lalo na nang makita ang pagngiti nito. She wouldn't mind having messy hair if it would make Alt happy.

Mula sa likod ay inilapat niya ng dalawang palad para maitulak ito palabas ng kwarto.

"Bumaba ka na. Masamang pinaghihintay ang bisita."

"Akala ko ba, masamang pinaghihintay ang pagkain?"

"Pareho lang 'yon. Dali na –" Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin. "Alt?"

"Can I have at least have a hug from you?"

Napangiti siya at gumanti ng yakap dito. "You'll be fine." Tinapik niya ang likod nito. "Sometimes in life, we also have to face our fears for us to be fully happy. Kapag kasi patuloy natin 'yang tinatakbuhan at iniiwasan, it will forever haunt us. We will never be free. We will never learn to be genuinely happy."

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon