Teaser

13.7K 356 92
                                    

ALT & SCROLL STORY: SWIPE HELP GONE WRONG

Desidido na si Scroll na foreigner talaga ang lalaking para sa kanya. Kaya swipe right siya sa lahat ng dating site. Pero ang damuhong director niyang freenemy na si Alt Flores lagi siyang inaasar at sinisita sa pakikibaka niya sa mga ideal niyang foreign men.

Hanggang sa dumating sa bansa ang boyfriend niyang kasing gwapo ni Leonardo Dicaprio nang malunod sa nag-yi-yelong tubig sa North Atlantic Ocean. Akala niya mabait ito in person pero manyakis pala at may balak pang pagsamantalahan siya.

To the rescue agad si Alt at gumawa ng eksena sa bar kung saan nagpapasaklolo si Scroll. Ang walangya, ginawa pa siyang nagtataksil na asawa. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagtulong nito o sasabunutan niya ito ng 100 times and more.

At dahil doon, nagsimula ang pagbabagong buhay ni Scroll bilang taksil na asawa ng isang Alt Flores nang kumalat online ang video kung saan hinila talaga siya ni Alt palabas ng bar nang bonggang-bongga!

Ngayon, puno na siya ng bash sa madlang people at kailangan niya ring manirahan sa mansion ni Alt at pagnilayan ang 'di umanong ginawang kasalanan.

Langya! Paano pa siya magkaka-love-life?

ABANGAN 💕

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon