Chapter 12

4.9K 289 272
                                    

HINDI mapigilan ni Scroll ang mapangiti.

Madi-deport na si Lewis at hindi na ito makakabalik ng Pilipinas. He was proven guilty lalo na't matibay ang mga nakuhang evidence against him. Madi-detain muna ito sa Pilipinas para pagbayaran ang mga kasalanan nito. Serves him right! Hay naku! 'Di na talaga siya magtitiwala sa kahit kanino kahit jowang-jowa na siya. Dapat kilalanin niya muna ang tao bago siya magtiwala.

She absentmindedly stirs her juice with the straw.

Naisip niya lang bigla.

She didn't really fully know Alt. Pero bakit okay lang na pagkatiwalaan niya ito? Well, if she thoroughly thinks about it. Obviously, in a lot of aspects, Alt was way better than Lewis - WAY BETTER.

Oo, minsan arogante at inaatake ng mood swings. But his care is just too genuine. Kahit na he doesn't often show emotions at mukha itong walang pakialam sa'yo, but he's really kind and considerate with other people.

Naikiling niya ang ulo sa kanan niya.

"Sa totoo lang, ideal man talaga siya," wika niya sa kawalan. Umayos siya ng upo at bahagya pang naniningkit ang mga mata as she try to assess more Alt's personality na para bang nakaupo ito sa harap niya. "Choosy ka ba? O talagang wala lang talagang nakapansin nun?"

Na-i-imagine niya itong pinaningkitan siya ng mga mata. She did try her best to suppress her smile. It was weird to say, pero kapag nagdidikit na ang mga kilay nito at naniningkit na ang mga mata ay naku-cute-tan siya rito.

He's adorable when annoyed.

Baka nga, natatakot lang lumapit ang mga babae sa kanya. Sabagay, sino ba naman kasing lalapit sa isang gwapong mukhang itatapon ka lang sa basurahan kapag nabanas siya sa'yo?

She giggled at a memory.

Bwesit talaga ang lalaking 'yon. Literal talaga siyang binasura. Noon, naiinis siyang maalala 'yon. She was publicly humiliated, of course! Ngayon, parang na realize niyang may mali naman talaga siya.

She made a scene. May dala pa siyang walis.

Naiinis kasi siya kay Chrome. Napakapalakero. Tapos, ginugulo pa nito ang relasyon nila Crosoft at Cam. Tapos niloko at pinaasa nito ang favorite niyang female celebrity sa kabilang istasyon na former ka love team nito.

Hello! Hindi naman sisikat si Chrome kung 'di ito ipa-partner.

Her lips pursed and twist in disgust. "Jerk!"

"Who?"

Bigla ay may umukupa ng bakanteng upuan sa harap niya.

"Ate Cam?" may gulat sa boses niya.

Natawa ito. Ate Cam seem amused by her stunned expression. "Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo riyan."

"Kanina ka pa?"

"Kadadaan ko lang. I saw you talking to yourself, baka ko, nakakakita ka na ng mga spiritual beings." Napangiwi siya. Nakatambay siya sa isang coffee shop malapit lang sa MS at nakapuwesto malapit sa glass panel wall. Lahat siguro nang mga dumaan sa coffee shop na 'yon ay iniisip na nababaliw na siya. Kakahiya! "So, who's the jerk?"

She clicks her tongue and leans her back on the seat.

"Si Chrome."

"Si Chrome? What did he do?"

"Wala naman, naalala ko lang 'yong sinugod ko siya sa studio at itinapon ako ni Alt sa basurahan."

Natawa ulit ito. "Ang tagal na nun, 'di ka pa nakaka-get-over?"

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETEWhere stories live. Discover now