START

8.7K 382 382
                                    

I want you to pick me up! Pick me! Pick me! Pick me up!

Umungol nang sobrang lakas si Scroll. Kanina pa nag-ri-ring ang cell phone niya. She had a bad night yesterday. Plus, inaatake siya ng migraine niya dahil sa matinding hangover. Argh!

"Tang na juice naman e!" inis na sigaw niya sabay balikwas ng bangon.

Kahit na hindi niya tignan ang sarili sa salamin. She knew she look awful and chaka. Smudge eyeliners and lipstick. Hulas na make up and dry skin. Messy hair na kailangan niya na namang paliguan ng isang boteng conditioner. Hindi nga niya maibuka nang maayos ang mga mata, ang bigat ng fake eye lashes niya sa mata. Tinanggal niya 'yon.

Marahas na inabot niya ang cell phone sa itaas ng bed side table. Sinagot niya ang tawag nang hindi tinitignan ang pangalan ng caller sa screen.

"Bakit ba?!"

"Hoy!" Narinig niya ang boses ni Crosoft sa kabilang linya. Napatuwid siya ng upo. Omg! Napangiwi siya at mariing nakagat ang ibabang labi. Gusto niyang kutusan ang sarili. "Tang na juice ka, ikaw pa ang galit? Baka nakakalimutan mong kailangan mo nang pumunta rito sa studio."

Crosoft D'Cruze, her famous celebrity boss. Isang gwapong bakla na in love na in love sa asawa nitong babae.

Sana all!

Pero kidding aside.

"Sorry, papunta na ako." Nakangiwi pa ring bumaba siya ng kama at mabilis na kinuha ang tuwalya sa back rest ng swivel chair. "Naihanda ko naman na ang mga damit mo for today. I left a note with Ate Maila kahapon. She knows what to do na."

"Alt is here," pag-iiba nito.

That crazy man! Argh! "Anong pakialam ko sa kanya?" pagtataray pa niya.

"May pakialam ka dapat dahil asawa mo siya."

Napahinto siya sa harap ng pinto ng banyo. "What?!" Paano nito nalaman? "Come again? Asawa?" Napamaang siya. Did Alt told Crosoft about what happened to her last night? "Did he told you?" Masasakal niya talaga ang lalaking 'yon.

"So totoo nga?" may himig pang panunukso nitong kompirma.

"No! I mean - saka ko na i-explain - long story."

Pumasok na siya sa loob ng banyo.

"Hoy Scroll, ayusin mo buhay mo. Sinasabi ko sa'yo, hindi biro magkaroon ng scandal, been there, done that."

"Scandal? Wala akong scandal -" Wait! Inilipat niya sa kabilang tenga ang cell phone. "Kuya, may alam ka bang hindi mo sinasabi sa'kin?" Bigla siyang kinabahan.

"Huwag kang ma shock, ha."

"Ano nga?!" Malakas na ang kabog ng puso niya.

"Your video in the bar with Alt, it's all over the internet."

"Shit!"

"No profanity, please."

"Kuya!" Humugot siya nang malalim na hininga. Nanlalamig ang mga kamay niya. "Buong video ba?"

"Bakit may part 2 pa ba 'yon?" Hindi siya nakasagot. "Ay 'di nga? Na saan?"

Napa-upo siya bigla. Bigla siyang nanghina. "Kuya Crosoft naman e. Inaasar mo pa ako. Ang laki na nga ng problema ko." Naiiyak na talaga siya. Anong gagawin niya?

"Kaya nga sinasabi ko sa'yo na nandito si Alt."

"Kasalanan naman kasi niya!"

"Kasalanan n'yong dalawa. Kaya kayo mag-usap. Mapapatawad ka naman siguro niya sa pagtataksil mo." Malakas na tumawa ito sa kabilang linya.

"I hate you!"

"Huwag ka munang pumasok. Sabi ni Alt, pupuntahan ka raw niya diyan. Mag-uusap kayo. Magdadala daw siyang lugaw."

"Bakit lugaw?!"

"Kasi mundo niya ay 'yong nagalaw - lugaw! Yeah, men!" pa-rap nitong sabi. Langya! Kahit saang sitwasyon, aasarin at aasarin lang talaga siya ng boss niyang 'to. "Ayos ba? Pinag-isipan ko 'yon ng mga ilang seconds." Muli itong tumawa.

"Hindi ka nakakatulong, alam mo ba?"

"Alam ko."

"Tang na juice ka! Bakit ba kita naging boss?"

"Kasi isa kang dukha at kailangan mo ng yaman ko."

"Bye!"

Narinig pa niya ang tawa nito bago niya pinutol ang linya. Napasalampak na siyang tuluyan sa tiled floor. She leaned her back on the wall. Tinignan niya lahat ng mga social media accounts. And yes, bongga! Trending sa twitter si Alt Flores. Viral din ang video na in-upload ng isang unidentified alien na halatang ayaw magpakilala.

Umawang ang bibig niya nang makita ang comments section niya sa Instagram. Puno nang bash!

Hindi na nga maganda, malandi pa! Cheater!

"What the - hoy! Hindi ako cheater! Problema mo, ha?"

Pati wall niya sa Facebook tadtad ng bash. May mga memes pa na in-tag sa kanya. Mabilis na in-denial niya ang numero ni Alt. Agad naman siya nitong sinagot.

"Hoy, puntahan mo ako rito. Mag-uusap tayo. At huwag kang magdala ng lugaw," sunod-sunod niyang sabi.

Kumunot ang noo niya nang marinig ang tawa ni Crosoft. "Ayoko! Magdadala pa rin ako ng lugaw. Dahil nang makilala kita, nagalaw mo ang mundo ko."

"Crosoft!" tili niya.

Mauubusan siya ng uban, matatanggal lahat dahil sa boss niya.

"Is that Scroll?" Boses 'yon ni Alt. "Hello? Scroll? Gusto mo ng lugaw?"

"Hindi! Gusto ko ikaw!"

Inubo naman si Alt sa kabilang linya.

Puro ayiee naman si Crosoft sa background. Marahas siyang napabuga ng hangin. Ayoko na! Ayoko nang kausapin ang dalawang 'to!





A/N: Good vibes lang tayo sa story na 'to. Haha!

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon