Chapter 21

5.3K 291 241
                                    

"HOY ALT!"

Hindi mapigilan ni Alt ang mapangiti sa tuwing naalala ang nangyari kagabi. Damn! You're losing it again, Alt. Focus. You have to work. Sa huli napailing at napangiti ulit siya. He can't wait to go home.

"Tang na juice, Alt!" Natigilan siya nang humarang sa harap niya si Crosoft. He look annoyed. Lagi naman yata kapag nakikita siya nito. Ano bang bago? "Kanina pa kita tinatawag hindi mo na naman ako napapansin."

"Kanina?" He tilted his head on his right. Wala naman siyang narinig kanina. "Wala akong narinig."

"Oo, kasi lutang ka na naman. Ngiting-ngiti ka pa kanina. Saya natin, ah?" Crosoft's face lighten up. Agad na lumitaw ang kapilyohan sa ngiti nito. "May balak ka pa bang pauwiin si Scroll? O mananatili na lang siya sa buhay mo – este – sa bahay mo?"

"Ano bang gusto mong malaman?"

"Kayo na ba?"

"We're just friends."

"Ang showbiz ng sagot. Artista ka?"

He chuckled. "Hindi." Pero agad ding sumeryoso ang mukha niya. Iniwan niya si Crosoft at nagpatuloy sa paglalakad. Lumalamig na ang hawak niyang cup ng chocolate drink. Kanina pa ba siya lutang?

Sumunod ito sa kanya. "Alt, may ire-recommend akong condo kay Scroll, okay lang sa'yo?"

"Hindi ko naman pinapaalis si Scroll, bakit pinapaalis mo siya?"

"Wala lang, sayang ang commission."

"Kailan ka pa naging broker?"

"Simula noong you broke my heart."

Kumunot ang noo niya rito. "Bakit nga ba kaibigan kita?"

"Because I love you and you love me." Inakbayan siya nito. "Anyway, noong isang araw pala, nag-marathon ako ng zombie series. Pakjuice! Alam mo bang hindi ako nakatulog kinagabihan?" He felt Crosoft's body cringed. Of course, hindi nito kaya manood ng mga ganoong palabas. "I know, hindi mo alam. Pero sinasabi ko lang sa'yo para updated ka pa rin sa buhay ko."

"Crosoft," walang gana niyang tawag sa pangalan nito.

"Bakit?" baling nito sa kanya.

"Pwede ko bang hanapin ang paki ko?"

Ngumisi ito. "Sige, gusto mo ng tulong?"

"No."



"KAILAN ba kayo magpapakasal niyang si Alt?" tanong ni Link kay Scroll.

Nasa office niya ito sa Emari para lang mang-intriga imbes na magtrabaho. 

"Kapag nagpropose na siya sa'kin. Hindi naman na ako magpapakipot," sagot niya.

"May nangyari na ba sa inyo?"

Pigil niya ang ngiti pero ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. Actually, kahit ngayon, she's still a bit sore down there. Para siyang sumali sa marathon na walang warm up. Pero wala naman siyang pinagsisihan. Masaya siyang si Alt ang unang lalaki sa buhay niya.

"Binigay mo na?" high pitched na tanong sa kanya ng pinsan. Pinanggigilan pa ang braso niya. "Hindi nga? Masherep?"

"Hoy!" sita niya rito. "Babaan mo nga 'yang boses mo. Marinig ka pa ng mga tao natin dito."

"Pero 'di nga? Kumusta? Malaki ba ang pipino? Masakit?"

Pinanlakihan niya ng mata si Link. "Grabe ka. Sa tingin mo sasabihin ko ang mga detalyeng 'yan sa'yo? Kahit pinsan kita, you will never know." Pero ngumiti pa rin siya. "Pero isa lang masasabi ko, masarap 'yong pipino."

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon