-Chapter 44

12K 116 13
                                    

-Jake's eyes-

"Labidabs!!! Wait lang."

"Ano bakit wait pa? Tara na." - Labidabs ko!

"Mamaya na tayo mag space shuttle. Anchor's Away na lang muna tayo."

"Eh bakit naman gusto ko na mag Space Shuttle eh!" - Labidabs ko!

"Mamaya na lang yan."

"Tamo kanina ikaw yung nagmamadaling umalis. Ngayon na niyayaya kitang sumakay sa ride ayaw mo naman." - Labidabs ko!

"Hindi naman sa ayaw ko pero iba na lang muna mamaya na lang yang Space Shuttle."

"Wait nga ano bang problema sa Space Shuttle?" - Labidabs ko!

"Wala naman mas gusto ko lang mag Anchor's muna."

"Aha!! Alam ko na!! Takot ka no!!" - Labidabs ko!

"O-oy!! Hindi ako takot dyan no! Parang yan kakatakutan ko!?"

Shet! Ayoko talaga sumakay dyan sa Space Shuttle na yan eh. Bukod sa nakakatakot na masakit pa sa dibdib.

"Eh bakit ayaw mong sumakay?" - Labidabs ko!

"Kasi nga kakakain pa lang natin. Baka mamaya niyan masukahan mo yung ibang kasama natin sa ride. Nakakahiya naman sa kanila diba!"

"Aba ako pa talaga ang ginawa mong dahilan ha!!" - Labidabs ko!

"Eh ayoko lang naman kasing mahilo ka."

"Sa tingin mo ba hindi nakakahilo sa Anchor's Away!?" - Labidabs ko!

"Eh di kung ayaw mo sa riogrande na lang. Ayan hindi na nakakahilo yun ha. Enjoy pa nga dun eh."

Sa mga sandaling to madami na palang nakatingin samin kasi napapalakas na pareho yung boses namin habang nagtatalo kami kung ano bang dapat naming unang sakyan.

Nahiya naman ako sa mga tao dito kaya hinila ko na lang si Dianna sa medyo konti lang yung tao.

"Alam ko na! Para fair let's play something na lang muna, tapos kung sino yung mananalo sa game na yun siya ang mamimili ng unang ride na sasakyan natin."

"Okay! Deal! Ako mamimili ng game natin ha!" - Labidabs ko!

And so we set off n apara maghanap nung game na lalaruin namin.

Ay para sabihin ko lang nama sa inyo, we're not fighting ha. Sanay na kami pareho sa ganito namin. Lagi naman kaming ganito. Mas healthy nga daw yung ganitong relationship eh.

Love Story ng NBSB ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon