-Chapter 41

12.4K 121 5
                                    

-Cassie's eyes-  

 

Last week lang nung nagusap kami ni Dee. Nung malaman namin na sila na pala ni Jake.  

Nashock talaga ako sa sinabi ni Dee sakin. Yung nangyari sa kanila ni Nick. Wala man lang akong kaalam-alam. Napaka sama kong bestfriend. Hindi ko man lang siya nadamayan sa problema niya. Samantalang siya lagi siyang nandyan para sakin, lalo na pag meron akong problema. Pero ako wala ako nung kailangan niya ako.  

ANG BAD KO >3<  

"Psst!" - Adam  

"Hmmmm?"  

"Ang lalim ata ng iniisip mo? Kanina pa kita tinatawag eh. Hindi mo man lang ako pinapansin." - Adam  

"Sorry, naisip ko lang kasi si Dee."  

"You're blaming yourself again?" - Adam  

"Hindi naman sa ganun. Naisip ko lang na napaka useless ko lang na kaibigan."  

Naupo siya sa tabi ko. Nasa may bench kami ngayon malapit sa building namin.  

"Cassie wag kang mag-isip ng ganyan. Pinili din naman ni Dianna na huwag sabihin sayo kasi alam niyang mag-aalala ka sa kanya." - Adam  

"Pero siya nga eh lagi siyang nandyan para sakin. Alam mo yung feeling na parang yun na nga lang yung magagawa ko para sa kanya hindi ko pa nagawa. I'm not a good friend after all."  

"Cassie, for sure hindi ganyan ang naiisip sayo ni Dianna. Stop fussing about it. Sige ka papanget ka!" - Adam  

"Tss!! Bakit pag panget na ko ayaw mo na sakin??"  

"Syempre mahal pa din kita. Ikaw lang naman ang mahal ko eh. Kahit pumanget ka pa wala ka ng magagawa kasi mahal na kita!" - Adam  

Nakakainis tong lalaking to!! Ang hilig magpakilig eh. Lalo na pag kaming dalawa na lang. Kung wala lang akong balak eh di sana sinagot ko na to..  

Oooooppppsssss!!! waaaaaaaa!! Wag kayo maingay na sinabi ko yun ah.. Waaaaa nakakahiya >///<  

Love Story ng NBSB ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon