-Chapter 37

12.3K 135 31
                                    

-Cassie's eyes-  

"Gising na Cassie. Baka malate ka niyan." - mommy  

"Gising na po ako."  

Huwaaaa! Inaantok pa ako. Pagdating talaga ng November sobrang nakakaantok na lagi. Mas malamig na kasi ang panahon eh.  

Kaso may pasok pa din kami kaya kailangan kong bumangon ng maaga. Terror pa naman prof ko sa first class >3<  

Naligo na ako at nagbihis, inayos ko na din yung bag ko tsaka bumaba sa dining room para mag breakfast. Hindi kasi pumapayag si mommy na hindi muna kami mag breakfast bago umalis ng bahay.  

"Oh Cassie nasabi mo na ba kay Adam yung tungkol dun sa pinapasabi ko sayo?" - mommy  

Bungad agad sakin ni mommy pagka-upong pagka-upo ko pa lang. Haaaaay si mommy trip na trip talaga si Adam -.-  

"Ah opo nasabi ko na po sa kanya last week."  

Kinuha ko yung baso ko na meron ng laman na orange juice at uminom ng madami.  

"Mamaya ka na uminom kumain ka muna. Mabubusog ka niyan agad." - Mommy  

Pag kasabay ko si mommy kumain dapat bago ka uminom ng kahit ano eh may nakain ka na kasi mabubusog ka daw agad. Yun nga paraan ko para konti lang kainin ko eh >3<  

"Last week mo pa sinabi? Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Sabi ko sayo sabihin mo agad sakin kung anong sagot niya eh." - mommy  

"Mom excited? Hahaha tsaka nakalimutan ko po kasing sabihin sa inyo eh. Tsaka po pala sabi ko po sa kanya isama niya na din si Mel yung kapatid niya po."  

"Ah okay yan. Kaso baka naman magalit yung parents niya nun." - mommy  

"Mom wala na po yung mom niya matagal na. At yung dad niya lagi daw pong wala kaya hindi daw po sila nag no-noche buena."  

"Hala ganun ba? That's so sad. Ayos lang pala na inimibitahan natin sila dito." - mommy  

Tinitigan ko si mommy at napansin ko na masaya siya pag napagkukwentuhan namin si Adam. She's happy for me.  

Love Story ng NBSB ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon