-Chapter 33

12.5K 132 12
                                    

-Dianna's eyes-  

Umalis na ko sa bahay nila Cassie. Wala pala sila tita. Pero ayos lang yun. Sanay naman na yun mag-isa sa kanila, and matutulog na lang daw siya eh. Tama lang yun, kailangan niya ng pahinga.  

Mabagal lang yung patakbo ko ng kotse ng may maaninag akong pamilyar na kotse. At hindi ako nagkamali nung makita ko siya sa may park. Nakaupo sa may swing, nag-aabang.  

Nag-park ako malapit sa kotse niya at lumabas. Nagulat oa siya nung makita niya ako sa harap niya.  

*PAK*  

Hindi ko napigilan yung sarili ko na sampalin siya. Dapat lang sa kanya yan at alam kong hindi naman kayang gawin ni Cassie yan kaya ako na lang ang gumawa para sa kanya.  

"Hindi man ako yung sinaktan mo pero kaibigan ko yun. Kaibigan mo din siya pero nagawa mo yun sa kanya! Grabe ka!"  

Tahimik lang siya dun hindi nagsasalita.  

"Ano hindi ka magsasalita?"  

"Sorry..." - Krysler  

"Tssssss."  

Nilapitan ko sya at niyakap.  

"Alam mo siraulo ka! Baliw! Praning! Adik! Bakit mo ginawa yun?"  

"Dee. Ang sakit na kasi. Sobrang sakit na nakikita ko siya na mas masaya pag kasama si Adam. Bakit hindi siya ganun sakin. Masaya nga siya pero kaibigan lang ang turing niya sakin. Kapatid. Ayoko ng ganon! Ayoko!" - Krysler  

Umiiyak siya. Umiiyak na siya. WAAAAAAAAAA Ayoko ng may umiiyak. Naiiyak din ako.. T^T  

"Nasasaktan ka kaya sinaktan mo din siya? Gumanti ka ganun? Alam mo bang mali ang ginawa mo? Na lalo mo lang pinalayo ang loob ni Cassie sayo?"  

"Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman ginustong saktan siya. Ayokong masaktan siya. Kaya nga nandito ako ngayon. Hihingi ako ng tawad sa nagawa ko sa kanya." - Krysler  

"You shouldn't have done that you know."  

"Alam ko naman yun." - Krylser  

Love Story ng NBSB ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon