-Chapter 18 (b) : Please Forgive Me

13.6K 148 10
                                    

A.N:  

  

Eto na po yung part B. Hoho ayoko kasi ng masyadong mahabang UD kaya hinati ko siya into 2.  

Next UD promise kala Adam na talaga. hihi :">  

╰☆╮ Enjoy Reading :)  

 toodaloo (▰˘◡˘▰)

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=  

-Cassie's eyes-  

Tinawagan ako ni Jake kanina. Hindi ko naman agad nasagot kasi nakasilent yung phone ko.  

Pagtingin ko 100 missed calls na yung phone ko.  

Sabi niya sakin nung nakausap ko siya kailangan daw ko ni Dee. Tsk! Bigla naman akong kinabahan. Anong nangyari kay Dee. Halatang halata kasi sa boses ni Jake yung pag aalala.  

Mabilis akong nagbihis at nag punta kala Dee.  

"Dee..."  

Kumatok ako ng 2 beses at pumasok na sa loob. Nilock ko yung pinto niya para walang pumasok.  

Humarap siya sakin at nagulat ako sa itsura niya at napayakap na lang ako sa kanya.  

"Oh God Dee What happened? Magang-maga na yang mata mo."  

"Bhe.. Si Nick.. Ni--niloko niya ako." Dianna  

Napahagulgol na lang siya at wala ng nasabi pa.  

"Dee.."  

Hinayaan ko na lang muna siyang umiyak ng umiyak. Kailangan niyang ilabas yung sakit na nararamdaman niya.  

Ilang sandali pa ang nakaraan at tumigil na din siya sa pag-iyak.  

"Ok na Dee? Nalabas mo na lahat?"  

"Masakit na yung mata ko bhe." - Dianna  

Love Story ng NBSB ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon