Don't Jump Into Conclusion

498 48 24
                                    

"Haay, forever bestfriendzoned."

Don't Jump Into Conclusion

"Oi, ano yang ginagawa niyo? Para san yan?" Tanong ko sa mga best friend ko. Tatlo kasi sila eh. 3 guys. Si Lee, Dylan at Liam. Pero meron din naman akong best friend na girl. Eto sa tabi ko, si Cindy.

"Meron kasing liligawan 'tong si Liam. Tutulong kami." Sagot ni Dy.

"Eh di tutulong na din kami! Best friend ko naman 'to eh." Saka ko siya inakbayan. Pero ang totoo, masakit. Gusto ko kasi si Liam. Hindi bilang best friend. Pero, haay, may gusto siyang iba eh so dahil best friend ako, tutulong ako.

Ako nga pala si Danielle. Isang college student. Nabubuhay kasama ang pinakamamahal kong bestfriend na si Cindy, na alam lahat ng tungkol sakin. Alam niyang gusto ko si Liam. Alam niyang mahal ko si Liam higit pa sa isang best friend. Kasama ko sa bahay ang aking 3 guys best friend. Bata pa lang kami best of friends na kami kaya payag parents namin na sa isang bahay lang kami tumira. Pati parents kasi namin eh magbebest friend din. Kasama naman mga maids eh, minsan naman dito natutulog si Cindy. Close na din si Cindy sa kanilang tatlo.

Mababait yang tatlo na yan pero sobrang kukulit. Minsan nga pinagti-trip-an nila si Cindy eh. Pero ngayon sanay na siya at kaya na niyang makipagsabayan sa kanila. Mahal na mahal ko yang tatlo na yan. Yung isa nga lang hindi bilang bestfriend. Haay, bestfriendzoned. Ang saklap naman.. Sino kaya yung babae na yun? Bakit nga pala di ko tanungin para mapasalvage ko na? Tama yun. Haha.

"Eh sino nga pala yung babae? Taga-dito din ba siya?" Dapat alam ko kung san siya nakatira ah.

"Cindy, patignan naman yung mga cookies dun sa kusina. Taga-dito lang din siya, Dani." Sagot sakin ni Lee. Napaka naman nitong best friend kong si Cindy. (Ang haba. Ayaw ko kasing endearment eh. Parang baduy yung dating sakin. But Lee really likes to call me Dani, de pagbigyan. Cute naman eh, parang ako. Pagbigyan ako~) Alam niyang may feelings ako kay Liam tas todo tulong pa dun sa paggawa ng mga gagamitin para sa panliligaw ni Liam. Pag napasagot ni Liam (Agad-agad?!) yun siya malalagot sakin.

"Sino nagbake nito?! Ang cuuuuuute!~" Cute daw? Hmp. Cindy naman. Wag mong kampihan si Liam!

"Patingin nga!" Ang---ang c-cuuuuuute nga!! Meron pang cookie monster! Favorite ko yun eh!~ Pero di ko pwedeng sabihin yun. "Ordinary cookies lang naman." Hmp.

"Homemade 'to kaya mas maganda at mas romantic." Iniinis talaga ko ne'to eh. Alam kasi niyang selos na selos na ako eh. Huhu. Wawa naman ako. "Eh sino nga bang nagbake nito?"

"Syempre yung manliligaw. Hui, Liam."

"Eh, ah, gusto niyong tikman? Madami naman niyan eh."

"Gusto ko! Penge ako ah?" Pumunta na siya sa kitchen. Cindy talaga.

"Sige. Basta wag mo lang uubusin." Tahimik ata si Liam ngayon, baka kinakabahan.

"Penge na din ako! Cindy, wag mo kong ubusan!" Sabi ko sabay takbo papuntang kitchen. Gusto ko din matikman gawa ng Liam 'ko' ah. Wahahaha. Assuming. Libre lang naman mangarap eh. Haay, ang swerte naman nung girl. Eh perfect yang si Liam 'ko' eh. Lahat na nasa kanya. Syempre ako pa. Magaling akong pumili eh. Di ko naman sinasabing walang dating si Lee at Dylan, syempre meron din naman. Mas may dating nga lang si Liam para sa'kin. "Hoy Cindy." Sabay tutok sa leeg niya ng kutsilyo. Mwahahaha. "Ano gusto mong palabasin ha? Ano naman yang ginagawa mo ha?"

Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon