Once Upon A Song

944 49 25
                                    

This story's not mine. I just love it so, I decided to post it here. This is a movie entitled A Cinderella Story: Once Upon A Song. If you want to watch the full movie, go on. Much better. That is one great movie. You're not going to regret wasting your time watching this movie. Enjoy. :)

Once Upon A Song

I'm Katie Gibbs. 17 years old. Living with my stepmother, stepsister and stepbrother. Nang mamatay ang Mommy ko ay nag-asawa ulit si Daddy. Yun ay si Tita Gail, ang stepmother ko. Makalipas ang limang taon nilang pagsasama ay namatay ang Daddy ko. Kaya dito ako nakatira sa maliit na bahay katabi ng bahay ni Tita Gail. Pumupunta din ako sa bahay ni Tita Gail para maglinis at ipaghanda sila ng makakain. For short, madrasta ko si Tita Gail.

Ayaw sakin ni Tita Gail kaya ginagawa niya yun. Pati si Bev ayaw din sa akin. Ang stepsister ko. Si Victor naman ang stepbrother ko. Hindi ko malaman kung galit yan sakin o ano. Kasi lagi akong pinagtitripan niyan. Pero mukhang gusto lang naman niya ng atensyon.

"O ano aamin ka ba?" Yan si Angela. Ang best friend ko. Pinag-uusapan namin yung party mamayang gabi. Si Mr. Guy Morgan kasi ang owner ng Massive Records Company, ang company na gusto kong humandle sa akin. Pangarap ko kasi maging singer. Ang anak ni Mr. Guy ay gusto ko. Si Luke. At plano ko sanang umamin sa kanya mamayang gabi. May party kasing gaganapin sa school. Yun ay party kung saan ang isusuot mo ay yung pangbelly dancing na damit with matching mask.

"Sa tingin ko, oo. Kailangan. Pero paano?" Andito kami sa maliit kong bahay.

"Ako nang bahala dyan."

"Paano nga?"

"Ta~dah!" May pinakita siya saking damit na gagamitin para mamaya. Kulay violet. "Kapag nagkaproblema ako nang bahala!"

"Sige!" Best friend ko siya kaya may tiwala ako sa kanya.

Eto na. Andito na kami at hinahanap si Luke. Nakalimutan ko nga palang sabihin na gusto din ni Bev si Luke. Kaya kailangan maunahan ko siya!

"Ayun siya oh! Bilis puntahan mo na!" Tinignan ko naman yung tinuro ni Angela. Kaya ko 'to!

"Ahm kailangan kitang makausap! Sumama ka sakin!" Hinila ko siya papunta sa likod ng venue.

"Dito bilis! Umupo ka!" Umupo siya at umupo na din ako. Dala dala ko yung gitara ko. Kakantahin ko yung kanta na nacompose ko para sa kanya.

"Wow! Hindi mo ba tatanggalin yan?" Tatanggalin ko na.

"Halika na! Pauwi na ang stepmother mo bilis! May nangyari kaya kinailangan nilang umuwi!" Ha?!

"Salamat Angela ah!"

"Sige, ingat ka!"

Takbo! Takbo! Takbo! Eto na ako! Pagbukas ko ng pinto.....

"Sabi na nga ba pumunta ka eh. At para ano ha?! Natanggap ko ang tawag ni Mr. Morgan. Nagpadala ka pala ng cd sa kanya ah! Well, sinabi ko na kinuha mo lang yon kay Bev at si Bev talaga ang nagcompose non!"

"Ano?! Hindi pwede yon! Kanta ko yun! Hindi kayang kumanta ni Bev!"

"Hindi nga niya kaya pero ikaw kaya mo!" Ha? Anong ibig niyang sabihin?

"Ano?"

"Kakanta ka para kay Bev. Kung hindi. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa best friend mo!"

Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon