Summer Special: Phone Number

102 4 0
                                    

"Parang nakaramdam na nga agad yung puso at tiyan ko eh. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kung anong paru-paro ang paikot ikot sa tiyan ko."

Summer Special: Phone Number 

"Kukunin ko number ni Josh."

"Ha? Nakakahiya." To namang best friend ko. Mabubuko pa ako neto eh.

"Basta! Ka-church ko yung isa niyang classmate, kaclose ko yun! Ako nang bahala." Wala rin naman akong magagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Pero lumayo ako. Baka mahalatang ako may kailangan ng number niya eh.

Iba na talaga panahon ngayon. Kahit babae ka, okay lang na ikaw yung gumawa ng first move.

Ayoko naman talagang hingin number niya. Natatakot nga akong magpakilala eh. Ni i-add siya sa fb di ko magawa. Kaya lang etong best friend ko mapilit. Pambawi daw niya sakin kasi dahil sa kanya hindi ako nakapunta sa family day namin na once a month lang namin nagagawa kasi busy parents ko pero sabi ko okay lang naman. Mapilit talaga siya eh. Babawi daw siya. Eto na nga yung pambawi daw niya. Souvenir ko na rin daw dahil malapit na ang summer. Hindi ko na masisilayan si Josh para at least makakatext ko daw. Kaya ko nga ba siyang itext?

Ako si Brooklyn. Crush ko? Ayun, si Josh. Ang pogi niya talaga. ~ Magaling 'yang sumayaw. Yun nga ang nagustuhan ko sa kanya. Attracted kasi ako sa mga lalaking magaling sumayaw.

Hala! Dali dali akong nagtago. Lumingon dito sa side na to si Josh. Nakita niya kaya ako? Bat ba siya lumingon?! Binuko na ba ako ng best friend ko? Best friend naman dalian mo~

Hindi ko na kaya! Baka makita ako ni Josh. Dahan dahan akong umalis nang hindi nila nahahalata. Hihintayin ko na lang siya sa room.

"Best! Ba't mo naman ako iniwan don?!" Ayan na pala ang may sala kung bakit kanina pa ganito takbo ng puso ko. "Akala ko nawala ka na." Inirapan ko lang siya at nagbasa kunwari ng libro. "Pansinin mo akooo~" Hindi ko pa rin siya pinansin.

*beep beep* "May nagtext sayo!" Hindi ko pa rin siya pinansin at tinignan kung sino yung nagtext. "Happy?"

Dahan dahan ko siyang tinignan sabay, "Thank you!" na may kasamang hug.

"Wala na akong utang sayo?"

"Wala na!" Tinignan ko yung phone ko. Number ni Josh.

"Ikaw naman ngayon ang meron."

"Ha?!" Nganga kong tanong sa kanya. Bat ako nagkautang?

"Iniwan mo ko! Ilibre mo ko ngayon din." Hindi na ako nakapalag dahil hinila na niya ako papuntang canteen. *shrug* Sige na nga. ~

Summer na. Fourth year na kami next school year. Malapit na akong gumraduate. Ang bilis ng panahon. Pero kahit anong bilis non, hanggang ngayon gusto ko pa rin si Josh. Nakasave pa rin sakin yung number niya pero ni minsan hindi ko tinext. Nahihiya ako. Hindi ko alam sasabihin ko.

Nakatingin ako sa phone ko kung saan nasa screen number ni Josh. Kung mabubura ko to, wala ring saysay. Kabisado ko na eh. Pero hindi ko maitext.

Tama! Gagamit na lang ako ng ibang number. Yosh!

Bumaba ako para hiramin phone ng kapatid ko. Nakipaggera nga muna ko para mapahiram ko eh. At ang kapalit, yung phone ko. Bahala nga siya. Itext niya kung sino gusto niyang itext. Wala namang load yun eh.

Eto na. Itetext ko na siya. Eh, ano naman sasabihin ko?

Ang tagal kong nag-isip ng dapat kong itext but I ended up with '.'. Dot. Yun ang text ko sa kanya. Wow lang diba?

Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon