Take The Joke...

88 4 0
                                    

"Mahirap din talaga kapag nagpapanggap kayong mahal niyo ang isa't isa, kasi yung isa nahuhulog na.

Ang sakit lang kasi ako yung nahulog.

At alam kong wala siyang balak saluhin ko."

Take The Joke...

 "Halika, bilis." Sabay hitak sakin. Bumibili ako ng pagkain eh!

"Saan ba kasi? Ano ba kasi yon?" Bigla bigla na lang kasing nanghihitak.

"Mj, girlfriend ko." Sabay akbay sakin. Eh? Nginitian ko na lang yung Mj daw. Umirap lang naman yung Mj. Halaa. Galit ba siya sakin? Tinignan ko naman si Nick, nakangiti lang. Problema niya?

"Clover, halika na." Tawag sakin nung mga kasama ko.

"Sige, Nick. Una na ako." Tinanggal na niya yung akbay niya sakin tapos tinanguan ako na may kasamang ngiti. Sumunod naman na ako sa mga kaibigan ko.

Ako si Clover.

Yung kanina? Si Nick yun. Hindi ko kaklase pero kabatch ko. Tas yung sa girlfriend thingy? Hindi totoo yun. Ewan ko ba dun kay Nick. Simula ng makilala ko siya lagi na lang niya ako pinapakilala sa mga classmates niya na girlfriend niya. Pero unofficial naman. Wala rin naman sakin. Must learn to take a joke.

Hanggang sa nag-uwian na. Sabay kami ng best friend ko, syempre. Ang nakakaalam lang naman nung girlfriend thingy eh best friend ko at yung friend ni Nick na si Edward. Kasi joke lang naman talaga yun eh.

"I'm home!" Dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis. Wala namang assignment kaya makapag-internet na lang.

Nag-open ako ng fb. Wala namang espesyal dun. Nakakainis pa nga yung notifs ko kasi puro game request. Di naman ako naglalaro nun eh.

*insert sound effect pag may nagchat* 

Uy, may nagchat. Si Nick.

Uy.

Oh? 

Ano na naman kayang problema neto?

Iloveyou. 

Hindi ko alam kung tama ba to pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Nakatitig lang ako sa screen. Hindi ko alam kung anong irereply ko. Buti na lang *Nick is typing...*

Corny ba? Hahaha.

Anong problema mo? Haha. 

Ayan. Buti naman at nakarecover na ako sa pagkashock ko.

Wala naman. Gusto ko lang iparamdam sa girlfriend ko na mahal ko siya, Love you, girlfriend.

Syempre, I love you din boyfriend. 

Nung time na yun, masaya ako. Ewan ko kung bakit. Basta nakangiti ako. Ramdam ko sa puso kong masaya ako. Di ko namalayan nafall na pala ako. Mahirap din talaga kapag nagpapanggap kayong mahal niyo ang isa't isa, kasi yung isa nahuhulog na.

Ang sakit lang kasi ako yung nahulog.

At alam kong wala siyang balak saluhin ko.

I love you more!

I love you most!

Mas love kitaaaaaaa 

Nagkulitan lang kami kung sino mas angat yung pagmamahal. Nick, ako yun. Kasi totoo yung akin. Ganun lang yung topic namin hanggang sa nagpaalam na siya. Nasa computer shop lang daw kasi siya at malapit ng matapos yung oras niya.

Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon