Valentines Special: Sweet Tea

275 25 9
                                    

"Slow ka ba o tanga lang talaga?"

Valentines Special: Sweet Tea

February 09

*beep beep*

1 text message

"Pupuna kang JS?" Text sakin ni David.

"Oo naman. Bakit ikaw hindi?" I replied. Wag niyang sabihing hindi siya pupunta, kukutusan ko siya. Wala akong escort!

"Pupunta din. Haha. Ui, may nagtetext nga pala sakin. Di ko kilala."

"Hala, sino kaya yan? Ano sabi?" May stalker siya? Feeling gwapo. Haha! Syempre kailangan usisain.

David calling...

To talaga tamad. Tinamad sigurong magtype kaya tumawag na lang. Sinagot ko naman.

"Tamad mo talaga! Oh, anong sabi?"

"Nakuha daw niya yung number ko sa 50 pesos. Zel Sandoval daw pangalan niya. Pwede daw bang makipagfriends."

"Asus. Naniwala ka naman jan. Kakilala ka niyan panigurado. Oh, ano pang sabi?" Tsismosa eh. Pwede naman diba? Willing naman siyang magkwento eh.

"Teka, tumatawag." Haliparot na babae!

"Sagutin mooo! I-conference mo tas imu-mute ko yung akin. Daliiii!"

"Ayoko..."

"Dali na! Bilis!" Sumunod ka!

"Oo na. Teka.." Good boy. Haha.

Ako nga pala si Ira(Ay-ra). Hindi ganoon katalino, pero hindi din naman bobo. Pero ayoko talaga ng Math! Isumpa ang nag-imbento niyan. Yung feeling na pag pinaliwanag ng teacher ang dali tas pag nagbigay ng quiz parang absent ako nung discussion? Yun yung feeling ko! Kainis nga eh.

Simpleng babae lang ako. Na nililigawan ni David. Nung una, ayoko talaga sa kanya! Nilalait lait ko nga yan eh. Lagi kong sinasabi na ang panget, crush kasi siya ng kaibigan ko. Ang pogi pogi daw tas tinitignan ko namang mabuti pero, pogi? Asan?! Tell me!!? Yan ang laging kong sinasabi...dati.

Hindi ko alam kung paano o bakit pero ngayon, mahal ko na siya. Pero hindi ko pa siya sasagutin. Okay lang naman sa kaibigan ko kasi di na daw niya crush yun. Hihi.

"Hello?" Eto na pala yung Zel daw. Arte ng boses. Wahahaha. Kasi naman gagawa na nga lang ng palusot yung halata pa?

"Sino ka ba?" Kahit kailan talaga tong si David ganito makipag-usap? Buti na lang sakin hindi. Upakan ko siya pag nagkataon. Mwaha!

"Ako nga si Zel. Pwede pong makipagfriends?~" Aba. Ang lantoddd. Landi ng landi. Mag-aral ka muna, oy.

"Hindi pwede." Ouch. Buti nga sayo.

"Ay. San ka po ba nag-aaral?" Hindi pa nadala teh? Ayaw nga diba? Kulit ng lahi.

"HER. Bakit?"

"Ahh. May kakilala ko dun eh. Si Rob, Jay saka si Chichi." Hala? Ba't ako? Chichi kasi yung nickname ko. Yung mga kakilala ko lang tumatawag sakin nun.

"Chichi? Paano mo siya nakilala?"

"Sa fb po. Sht." Mahina lang pagkakasabi niya pero rinig ko. Fb? Eh real name ko pangalan ko dun. Nabubunyag na kita. Wahahaha. Pwede na kong detective.

Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon