Author's Note:

939 41 4
                                    

Naiiyak ako.

Promise.


Naiiyak talaga ako. TT.TT

So after 6 months ay natapos ko din itong fanfic ng BTOB. Whoooo! Congratulations to me! Congratulations to us! Hindi ito aabot sa ganito kung hindi dahil sa inyo. Diba nga dapat 10 chapters lang to? Pero dahil sa nakita kong hindi lang ako nag-iisa ay naencourage ako na higitan ang target number of chapters nito. Hindi man kayo ganun karami pero sapat na sa akin na mayroong kahit isang tao na nag-aabang ng updates ko.

Napakaspecial sa akin ng story na to. Dito ko naramdaman yung contentment. Dito hindi ako nag-expect na may papansin, may magbabasa, may magvovote, may magcocomment, at may magshashare. Nung una ginawa ko lang to kasi sobrang baliw ako sa BTOB. Kaya naisipan kong gumawa ng fanfic para na rin sa mga kapwa Melodies ko para mas lalo nilang mahalin ang BTOB.

Isang taon na akong Melody. Nakilala ko sila dahil napanood ko sa MTV yung thriller. Dahil sa kanila naging Kpopper ako. Dahil sa kanila, nadiscover ko na may kakayanan pala akong magsulat. Dahil sa kanila nadiscover ko ang wattpad at nakagawa ako ng story.

Hindi ko man sila nasamahan nung nag-uumpisa palang sila, ang importante naman ay hindi ko sila iiwanan hanggang huli diba? Ano kayang mangyayari sa future? Sana magtuluy-tuloy ang success nila. Sana lagi silang may trabaho. Natatakot kasi ako na baka bigla nalang silang mawala eh. Paano kaya kapag nagkapamilya na sila? Pano kaya kung mag-asawa na si Sungjae? Ano kayang mararamdaman ko? Born to Beat pa rin kaya sila after 20 years? Para kasing hindi ko kaya kapag naghiwa-hiwalay na sila eh. Sana kahit anuman ang mangyari, manatili silang magkakaibigan at connected sa isa't isa at maging sa fans.

Gusto kong magpasalamat sa inyo  from the bottom of my heart. Sana walang iwanan. Sana lahat ng Melodies ay magkakaibigan. Basta nandito lang naman ako eh. Simpleng tao lang ako. Hindi rin ako mayaman. Pero masasabi kong number one fan ako from the heart.

Ang drama ko na. Pagbigyan nyo na ako. Last na rin naman to eh. At dahil last na to, pwede ba akong makahingi ng comments sa overall ng story na to? I would love to hear your feedbacks.

Kamsahamnida!

Saranghae!


© mirahpat

Facebook account: Mirahpat Yook

Twitter account: Mirahpat

Usap tayo sa fb pag may time. Medyo inactive ako sa twitter. Haha.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant