Chapter 03

1.8K 98 12
                                    

CHAPTER 03

Nagising ako na ako lang mag-isa sa loob ng kotse. Una kong hinanap si Sungjae. Nasan sya? Diba kasama ko sya kagabi? Panaginip lang ba yun?

May nakita akong note sa pintuan ng kotse. Nacurious ako kaya binasa ko.

'Mira,
Wag kang aalis ah. Babalik ako. May breakfast dyan. Kumain ka nalang. Sungjae.'

Napatakip ako ng bibig para pigilan ang pagsigaw. Kyaaaah. Kinikilig ako! Totoo pala ang lahat! Hindi ako nananaginip.

May nakita nga akong pagkain sa tray. Si sungjae ba ang naghanda nito? Pwede bang wag ko nalang kainin? Ipapalaminate ko nalang ang mga to. SUNGJAE! You were Born to make my heart Beat faster!



BTOB'S POV

"Sungjae-ah. San ka ba galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" bungad ni Eunkwang kay Sungjae.

"Sinamahan ko si Mira, hyung."

"SI MIRA?!" sabay-sabay na sigaw ng lahat.

"Oo. Nalaman ko kasi na wala pala syang matutuluyan kaya sa kotse ko muna sya pinatulog." paliwanag ni Sungjae.

"Sa kotse? Kasama ka?" tanong ni Ilhoon na parang may nais ipakahulugan.

"Mali ang iniisip mo. Natulog lang kami. Yun lang." sagot nya na mukhang naintindihan ang gustong ipahiwatig ni Ilhoon.

"Sigurado ka? Binabalaan kita Sungjae. Masyado ka pang bata." - Minhyuk.

"Wala nga. Natulog lang kami." medyo naiiritang sagot ni Sungjae.

"Pero bakit hindi mo sinabi sa amin na may plano ka palang samahan sya? At saka bakit mo ginawa yun? Pano kung may makaalam na may kasama kang babae kagabi?" - Eunkwang

"Ginawa ko lang ang dapat hyung." - Sungjae.

"Dapat? Gusto mo bang mapahamak ang grupo?" - Eunkwang

"Syempre hindi. Iniisip ko lang ang kapakanan ng BtoB. Nakalimutan nyo na bang muntik ng masagasaan ni Minhyuk hyung si Mira? Pano kung malaman ng publiko ang tungkol dun? Alam nyo ba kung anong magiging consequence nun?" - Sungjae

"May point si Sungjae. Naiintindihan ko sya. Baka yun na ang maging katapusan ng BtoB." - Hyunshik

"Ako din. Kung tutuusin ay pwede tayong kasuhan ni Mira dahil sa nangyari. Hindi ba kayo natatakot na gawin nya yun?" - Peniel

"Kung ganun, anong gusto nyong mangyari?" tanong ni Eunkwang na mukhang naiintindihan na ang sitwasyon.

"Kelangan nating bumawi sa kanya. Bilang sorry na rin." - Sungjae

"Tama si Sungjae. Pero pano natin gagawin yun? Bigyan ng autograph? Bigyan ng albums?" - Changsub

"Sa tingin ko kelangan natin syang bigyan ng matutuluyan. Wala syang tirahan dito sa Korea. Ni wala syang kakilala. At hindi rin sya mayaman para maghotel." - Sungjae

"Pero hindi naman sya pwede dito sa dorm. Baka magalit si Manager." - Minhyuk.

"May apartment ako diba? Matagal ng walang nakatira dun kaya pwede na siguro sya dun pansamantala." - Sungjae.


MIRA'S POV

Nahinto ako sa pagkain nang bumukas ang kotse. "Sungjae-ah!"

"Gising ka na pala. May pupuntahan tayo." sabi nya. Saan naman kami pupunta?

"Saan?"

"Basta."

Pumasok sya sa loob. Nakita ko nalang din ang ibang members ng BtoB na pumasok din sa kotse. Si Minhyuk naman ang driver at nasa front seat si Eunkwang. So iba pala ang ibig nyang sabihin ng 'tayo'. Akala ko kaming dalawa lang eh. Assuming lang.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon