Chapter 17

946 46 5
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. When  Eunkwang gets nervous he prays. He prays before live performances.

2. Minhyuk has the most skin care products in the group and a lot of the fans buy them for him.

3. Changsub is one of the members who needs the most amount of sleep.

4. Hyunsik likes spending some time alone.

5. Peniel had more church friends than school friends.

6.  When Ilhoon gets nervous, his ears move.

7. Sungjae likes the song 'Monday to Sunday' the best from BTOB album.

CHAPTER 17

"Tumahan ka na. Wag ka ng umiyak please..."

Nag-angat ako ng mukha para tingnan ang taong yun. Hindi nga ako nagkamali. Sya nga ang nasa harapan ko ngayon.

"M-Minhyuk..." sambit ko.

Lumuhod sya para pantayan ako. Marahan nyang hinaplos ang mukha ko para pahirin ang luha sa pisngi ko. "Wag ka ng umiyak please..."

Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa nya iyon. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito? Pano nya nalamang nandito ako?

"Ihahatid na kita." sabi nya. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at saka pinatayo. Kumilos naman ang katawan ko pero hindi pa rin ako nagsasalita.

"Anuman ang dahilan kung bakit ka umiiyak ngayon, asahan mong nandito lang ako para damayan ka. Hindi kita iiwan..."

Tiningnan ko sya ng diretso sa mata. Ganun din sya. Nakikita ko kung gaano sya kaseryoso at kasincere sa sinasabi nya. Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang sabihin nya ang mga bagay na yun.

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang bigla nya akong yakapin. Napasubsob ako sa dibdib nya habang sya naman ay hinahaplos ang buhok ko.

Kumportable ang pakiramdam ko habang nasa tabi ni Minhyuk. Pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. Para akong nakahanap ng isang karamay. Kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong samantalahin ang comfort na ibinibigay nya.

"Gomowo..." sambit ko. Naramdaman ko naman na lalong humigpit ang yakap nya sakin.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong nya. Tumango naman ako. "Oo."

*****

Kinabukasan, nasa dining room ako at kumakain nang biglang may nagdoorbell. Sino kaya yun? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon ah.

Agad akong lumabas sa dining room at binuksan ang pinto. Laking gulat ko nang bumungad sa akin si Sungjae.

"S-Sungjae..." sambit ko. "U-Umm, tuloy ka."

Pumasok naman sya.

"Mira..."

"Mmm?" simple kong sagot habang pilit na inaabala ang sarili ko sa pagliligpit ng pinagkainan ko. Alam kong magiging awkward para sa akin ang sitwasyon at iyon ang pilit kong iniiwasan. Ni hindi ko alam kung bakit pumunta dito si Sungjae. Kung tungkol yun sa date nila ni Sohyun, pwede naman nya akong tawagan para sabihin yun diba?

"Mianhe Mira...jinjja mianhe..." aniya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Ni hindi ako nakapagsalita. "Hindi dapat kita iniwan kagabi. Sorry talaga."

"Ano ka ba naman! Wala naman sakin yun eh. Naiintindihan ko naman na kailangan mong protektahan si Sohyun. Kaya ka ba pumunta dito para sabihin yan?" Heto na naman ako, nagpapakaplastic. Kelangan kong panindigan ang mga sinasabi ko. Hindi ako dapat magpakita ng emosyon na magiging dahilan para maging awkward kami sa isa't isa.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon