Chapter 23

954 50 11
                                    

Saglit kong pinagmasdan ang pintuan ng dorm ng BtoB nang makarating ako. Chineck ko ang dala kong paperbag na may lamang lunch na ginawa ko para sa kanila. Napangiti naman ako. Sigurado akong matutuwa sila dito sa inihanda ko. Gusto kasi ni Minhyuk na ipaghanda ko sya ng lunch eh. So bilang girlfriend, sinunod ko naman ang gusto nya. Wala namang masama kung pasayahin ko sya sa mga simpleng bagay tulad nito diba?

Nagdoorbell ako. Ilang sandali akong naghintay bago may nagbukas ng pintuan.

"WAAAAAAAHHH!" Napaigtad ako kasabay ng malakas na sigaw nang biglang bumungad sakin ang isang taong parang naligo sa harina. Puno ng harina ang katawan nya mula ulo hanggang paa. Pati yung sa tingin ko ay kulay itim nyang damit ay napuno na rin.

"Annyeong Mira-yah!" bati nya sakin. Hindi ko sya makilala.

"A-Anong nangyari sayo?" tanong ko.

"Pasok ka muna." sabi nya. Tumuloy naman ako sa loob. Nagulat talaga ako sa kanya. Maigi kong pinagmasdan ang mukha nya baka sakaling makilala ko.

"Changsub-ah? Ikaw ba yan?" tanong ko nang mapagtatanto ko na si Changsub nga yun. Tumawa naman sya dahil sa itsura nya.

"Naglalaro kasi kami eh." sabi nya habang pinapasunod ako papunta sa kusina. Nandun ang BtoB maliban kay Sungjae. Ano bang nangyayari kay Sungjae? Hindi ko na sya nakita matapos yung party eh.

"Jagiya!"

Napatingin ako kay Minhyuk na nakangiti habang papalapit sakin. Jagiya? Tinawag nya akong jagi?

Bago pa man ako makapagreact ay natagpuan ko nalang syang nakaakbay sakin. Tapos ay inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. "I missed you, jagi."

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi nya. Ramdam na ramdam ko pa ang vibration ng boses nya sa tenga ko. Omo! Nagba-blush ako!

Tinulak ko sya palayo. "Yah! Manahimik ka nga dyan!"

"Yah Mira! Bakit ang pula ng mukha mo?" Argh! Ang sarap lang batukan nitong si Peniel. Ewan ko kung nanadya ba sya o talagang nagtatanong lang sya eh.

"U-Umm...A-Anong ginagawa nyo? Bakit ganyan ang itsura ni Changsub?" pag-iiba ko ng usapan. Napansin ko rin kasing makalat sa kitchen eh. Puno ng harina sa sahig. Tapos may nakalatag na tatlong family-sized pizza sa mesa. Hindi naman sila mukhang gutom no?

"Mayroon kasi kaming game." sagot ni Hyunsik. "Gusto mo bang sumali?"

"Game? Anong klaseng game naman yan? Baka puro kalokohan lang yan eh." sabi ko.

"Simple lang to pero mag-eenjoy ka. Paramihan lang ng makakain na pizza." sagot ni Eunkwang. "Ang pinakakonti ang makain ay may parusa."

"Anong parusa naman?" tanong ko ulet. Anong pakulo na naman kaya to ng BtoB? Pero mukhang interesting sya ah. Imagine paramihan lang ng kain ng pizza.

"Nakikita mo naman siguro ang nangyari kay Changsub no? Ganyan ang mangyayari sa matatalo." dagdag nya.

Imbes na matakot ay tumawa lang ako ng malakas. Kaya pala ganyan ang itsura ni Changsub. Hahaha. Ibig sabihin natalo syang kumain ng pizza? Mahina pala tong si Changie.

"Game! Sali ako!" excited kong sabi.

"Andwae jagiya!" pagtanggi ni Minhyuk na ikinagulat naming lahat.

"Wae?! Gusto ko ng pizza eh."

"Bibilhan nalang kita. Ilan ba gusto mo?"

Nagpout nalang ako sa sinabi nya. Eh kasi naman ang kj eh. "Gusto kong sumali sa game eh."

"Andwae. Gusto mo bang magmukhang espasol? Madudumihan ka lang."

"Minamaliit mo ba ako? Sa tingin mo ba matatalo ako? Wala ka bang tiwala sakin?" tanong ko sa kanya.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon