Chapter 15

1.1K 51 12
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. Eunkwang's favorite food is nurungi, which is a traditional korean food made with scorched rice and his favorite dish is baeksook, which is meat or fish that is boiled or steamed without seasoning.

2. Minhyuk's favorite foods are bean-paste soup, cheonggukjang, and potato rib soup.

3. Changsub isn’t a picky eater, so he can eat anything.

4. Hyunsik's favorite foods are sushi and chicken.

5. Peniel doesn’t have a favorite food, he likes everything.

6. Ilhoon's favorite food is meat.

7. Sungjae's favorite food is Dwinjang jjigae.

CHAPTER 15

May mga bagay talaga sa ating buhay na dumarating nang hindi inaasahan. May mga bagay na kahit ayaw mo ay hindi mo magagawang tumanggi. Kagaya ko. Kung tutuusin ay pwede na akong mag-U Turn para umiwas at bumalik nalang sa normal kong buhay pero mas pinili kong magtuluy-tuloy pa rin at magtake ng risk kahit na alam kong hindi ako sigurado sa mangyayari kapag nagtuluy-tuloy ako ng tahak sa hindi ko kabisadong daan.

Saglit akong napahinto sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko. Normal pa ba ako? Bakit ba napakabig deal sa akin ng nangyari kahapon?

*FLASHBACK*

"Pwede bang humingi ng pabor?" tanong ni Sungjae.

Tumango ako. "Sige. Kahit ano."

"Pwede bang...pwedeng bang tulungan mo kong manligaw kay Sohyun?"

Natahimik ako dahil sa sinabi nya. Bahagyang nakabuka ang mga labi ko pero walang ni isa mang salita ang lumalabas mula rito. Sa lahat ata ng pabor na hihingin sa akin ng isang tao, ito na ang pinakahindi ko inaasahan. Kaya sobra talaga akong nabigla sa sinabi nya.

"Excuse me maam and sir. Ito na po yung order nyo." Laking pasasalamat ko nang dumating na ang order namin. Nakabalot na ito at ready for take out na.

"Kamsahamnida." Nagbow si Sungjae at inabot ang mga pagkain. Pinilit ko namang ayusin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng umakto ng ganito sa harap ni Sungjae.

Lumabas kami ni Sungjae sa restaurant dala ang mga pagkain. Mas marami syang dala kesa sakin. Sinalubong naman kami ng driver ng van at tinulungan kami sa pagsakay nung mga pagkain sa kotse.

"So, tutulungan mo ko diba?" biglang tanong ni Sungjae nang makasakay na kami. Magkatabi kaming dalawa sa likod ng driver's seat. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko. Akala ko hindi na nya ioopen ang topic na yun.

"U-Uh...pano naman kita matutulungan? Wala akong alam sa mga ganyang bagay." sagot ko na pilit na iniiwas ang tingin sa kanya.

"Magkaiba ang culture nyo sa Pilipinas at culture namin dito sa Korea diba? Alam kong kahit papano ay may alam ka sa paraan ng panliligaw sa Pilipinas."

"Huh? Paraan ng panliligaw? Hindi ako lalaki Sungjae."

"Alam kong naiintindihan mo ko. Gusto kong ibang strategy ng panliligaw ang ipakita kay Sohyun. Gusto kong maiba naman. At sa tingin ko matutulungan mo ko." sabi nya na parang confident sa sinasabi nya. Nababaliw na ba sya? Iniisip nyang matutulungan ko sya?

"Ibang bagay nalang ang hilingin mo sakin Sungjae. Wag lang yan dahil hindi talaga kita matutulungan." pagtanggi ko. Bukod kasi sa hindi ko pa naranasang manligaw ng tao, ayoko naman talaga syang tulungan sa bagay na yun. Ayokong maging tulay nila. Magmumukha lang akong ewan.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon