Hello ONE

4.2K 58 4
                                    

Hello ONE

I'm home!

Haay. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Ang sakit sakit ng katawan ko dahil sa volleyball practice na yan. Umupo muna ako sa sofa at nag-unat. Gusto ko nang matulog.

Ilang segundo pa ay nakatulog na nga ako bigla sa sofa.

*Ungaaa*

*Ungaaa*

Bigla kong naimulat ang aking mga mata dahil sa tunog na narinig ko.

*Ungaaa*

*Ungaaa*

Parang tunog ng umiiyak na bata.

Bumangon ako at unti-unting naglakad papunta sa kung saan nanggaling ang tunog.

Teka. Ba't parang sa kwarto ko nanggaling yung tunog?

*Ungaaa*

*Ungaaa*

Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko kaya lang nung pagbukas ko, bigla na mang nawala yung tunog.

Nilibot ko ng tingin yung kwarto.

At bakit may ganito rito? Bakit may crib sa loob ng kwarto ko? Teka teka. May kapatid ba ako? Nagka-anak ba ulit ang Mommy ko? Pero ang pagkakaalam ko hinding hindi na magkakaanak pa ulit si Mommy.

Dahil sobrang takang-taka ako unti unti ko rin itong nilapitan.

*Ungaaa* nagulat ako ng biglang bumalik yung tunog ng iyak.

*Ungaaa* sobrang lakas na nito ngayon.

Isang hakbang nalang ang layo ko sa crib.

Hanep ah! May kulambo pa talaga.

*Ungaaa* hindi parin tumitigil yung iyak.

*Ungaaa*

Humakbang na ako ng isa at
napagisip-isip kong tanggalin yung kulambo para makita ko kung may bata ba talaga sa loob.

Pagtanggal ko nito may nakita nga ako. DALAWANG BABIES! Mga bagong panganak na babies na umiiyak. Ang cute cute.

Biglang nawala yung iyak nila nung napalingon sila sa akin.

Napa-smile naman ako sa kanila. Sino ba naman kasing hindi, eh babies ito. Babies.

Kaya lang napansin kong tutok na tutok sila sa akin? Ganun na ba ako kagwapo?

Tapos bigla na lang,







'HELLO DADDY!'




'KYAAAAAA!'

'Hoy pare! Gising! Anong nangyare sayo?'

'M-May n-na-paginipan a-ako!'

'Malamang, kasi tulog ka! Bakit ba? Ano ba yun?'

'M-May da-lawang babies! Bagong mga panganak sila!'

'Oh tapos? Ano naman ngayon? Para baby lang natakot ka na!'

'N-Nag s-salita eh! S-Sabi pa nila "Hello Daddy".'

'HAHAHA!! Yun lang naman pala eh! Akala ko kung ano na! Panaginip lang yun pre 'wag mong seryosohin!'

'Pero kahit na! Nakakakilabot pa rin yun!'

'Umuwi ka na nga lang. Itulog mo na lang yan ulit sa bahay mo.'

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon