Hello THIRTEEN

1.2K 31 0
                                    

Hello THIRTEEN

Nakasakay kami ngayon sa taxi. Tahimik lang kami kasi nga problema na naman. Habang si Gorby naman ay naglalaro lang ng Temple Run gamit yung phone ko.

Sinabi ko kina Jeur at Clark yung isa na namang problema kanina. Pati din sila gulat na gulat. Sinabi ko rin kay Mommy na hindi namin kasama si Fern. Kaya ayun nataranta at mas lalong umiyak.

Napansin ko lang ngayon, ang gaan na ng loob ni Mommy at Daddy sa dalawang bata. Ilang araw pa lang silang nagkakilala pero ang lakas na ng epekto nila sa Mommy at Daddy ko. Ano bang meron sa mga batang yun?

Nandito na pala kami. Agad-agad namang pumasok si Gorby sa loob.

'GORBY.' sigaw ni Mommy at tumakbo papunta kay Gorby.

'LOLA.' at nagyakapan sila. THE END.

Pero joke lang. Nagpapatawa lang. At alam kong hindi nakakatawa.


'Mommy,'

'Exequiel anak, ano na? Asan natin hahanapin si Fern?'

'Fern? Why? What happened to her daddy?' nilapitan naman ni Clark si Gorby.

'You heared it wrong Gorby. They mean, ah-- s-saan raw sila maghahanap ng fern na halaman. Hindi si Fern yung tinutukoy nila, okay?'

'Ohh, okay.' ngumiti lang siya at hindi na nagtanong pa ulit.

'Punta muna tayo sa kwarto mo. Maglalaro ka ulit ng Temple Run pero ngayon kasali na ako.'

'Okay uncle Clark.'

Umakyat na sila papunta sa kwarto nina Gorby. Bago pumasok si Clark ay lumingon muna siya sa direksyon namin at sumenyas ng-- Ituloy niyo na.

So ang kasama ko na lang ngayon ay si Mommy at Jeur.

'Mom, anong oras ba kayo pumunta dito?'

'I think it was already eleven. Natapos kasi agad yung meeting ko so I decided to come here because I thought ang dalawang bata lang ang naiwan dito. Pero pagdating ko ang tahimik ng bahay, hindi ko rin sila mahanap kaya nagsimula na akong mataranta at umiyak.' 

'Akala po namin tita na nandito lang si Fern kasi alam namin na natatakot yung lumabas mag-isa.' saad naman ni Jeur.

'Ba't niyo naman kasi iniwan si Fern dito ng mag-isa? At bakit niyo naman isinama si Gorby sa school niyo?'

'Hindi ko po siya isinama sa school. Siya mismo ang sumunod sa akin dun.'

'Ano? What do you mean? Paano ka naman niya sinundan?'

'Nung lumabas na ako ng gate at nasa taxi na, lumabas din pala siya at pumara ng taxi niya. Tapos ayun sinundan niya ako. Nagulat nga ako kasi habang naglalakad ako sa corridor namin may biglang humahatak sa polo ko.'

'Binigyan niyo po kasi ng pera si Gorby, kaya ayun nakapagtaxi tuloy.'

Siniko ko naman si Jeur. Kung ano-ano sinasabi e.

Tumawa siya na parang nahihiya. 'Joke lang po tita.'

'Iuuwi nga po sana namin siya ng maaga dito dahil baka nga anong mangyari kay Fern. E hindi naman namin inaasahan na lalabas pala talaga siya ng bahay.'

'Siguro ang mas mabuti nating gawin ngayon lumabas na tayo dito at hanapin si Fern. Baka nandito lang yun sa village.'

Lumabas na nga kaming tatlo. Tinext ko na lang si Clark na hahanapin muna namin si Fern at siya na muna ang bahala kay Gorby.

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon