Hello TWENTY

688 25 0
                                    



Hello TWENTY

MAU's POV


'Natatakot ka ba?'

Anong tanong ba yan? Hindi ba halata? Kiniki--- este natatakot na ako sa lalaking 'to.

Napalunok na lamang ako ng laway dahil sa naging tanong niya. Nagkatitigan lang kami ng biglang mahagilap ko ang dumaang shooting star sa kabilang bintana na kaharap ko.

'Shooting star.' mahinang sabi ko.

Manghang-mangha ako dahil ngayon lang ako nakakita ng shooting star. Noong bata pa ako lagi ko talagang hinihiling na makakita ng isa pero ni minsan ay wala talaga akong nakita.


***Flashback***


'Anak, pumasok ka na sa loob. Masyado ng gabi kailangan mo nang matulog. May pasok ka pa bukas.'

'Opo Nay. Sandali na lamang ito. Baka may makita na akong shooting star ngayon e.'

'Shooting star na naman? Walang lalabas na ganun dito kaya itulog mo nalang 'yan.'

'Nay naman e. Malay mo may makikita ako ngayon.' pagpupumilit ko sa kanya.

'Sa susunod makakakita ka rin ng ganun.'

'Talaga Nay? Kapag ako nakakita ng shooting star ang lalaking kasama ko sa araw na 'yon, siya ang magiging asawa ko sa future.' kinikilig kong sabi.

'Anong asawa? Ang bata-bata mo pa, asawa agad. Boypren-boypren muna.' gali pero birong sabi ni Nanay. Napatawa naman ako.

'Ganun pa rin po yun. Boyfriend tapos magiging asawa ko din.'


***End of Flashback***


'Wala naman.' naibaling ko ulit ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

Napalingon pala siya dahil sa nasambit ko.

'D-dumaan na.' nauutal kong sagot.

'Tss.'

Inalis na niya yung mukha niya na malapit sa mukha ko. Bumalik na rin siya sa dati niyang inuupuan.

Ang laking tulong pala nung nakita kong shooting star. Nakahinga na rin.

Pero naisip ko ulit yung naalala ko kanina. Siya nga kaya? Paano kung magkatotoo yung sinabi ko noon? Posible ba?

Napatingin na lamang ako sa lalaking kasama ko ngayon.

Is it a sign?

--------------


THIRD PERSON'S POV


Natapos na rin ang ride nila sa ferris wheel. 

'Uncle Jeur, ang kulit mo po.' nakatawang sambit ni Fern habang nakahawak sa kamay ni Jeur.

'Fern, alam ng lahat na mas makulit ka. O wag ng papalag.'

'Mukhang ang saya niyo. Pati din ikaw Exe.' sabi ni Clark.

'Itong si Gorby kasi ang kulit-kulit din. Habang nagtatawanan kami sa loob ng cab bigla ba namang umiyak. May nakita raw kasi siyang cannon ball na dumaan sa langit.' tumatawa ding sambit ni Exe.

'Totoo naman daddy e. Meron talaga akong nakitang ganun.' sabi naman ni Gorby na parang iiyak.

'Pfft. Okay okay. May nakita ka nga, sabi mo eh.' pinipigilan ni Exe yung pagtawa niya pero napahalakhak pa din ito.

'Daddy.' naiinis at naiiyak na sigaw ni Gorby.

'Gorby, hindi yun cannon ball. Shooting star siguro yung nakita mo.'

'Shooting star? Bakit yaya Mau? Nakita mo rin ba yun kanina?'

'Ah-huh.' tumatango at nakangiting sagot ni Mau.

'Hindi ka po takot?' lumapit si Gorby sa may paanan ni Mau.

Umupo ng bahagya si Mau upang mapantayan si Gorby.

'Hindi. Matagal ko na ngang pangarap na makakita ng ganun.'

'Talaga? Bakit naman?'

'Ka--'

'Tama na nga yan.' pinutol naman ni Exe yung sanay sasabihin ni Mau. 'Ano Gorby? San mo na gustong sumakay?' masayang tanong ni Exe.

Ang kanina'y naka simangot ngayo'y mukhang masaya na. Mabuti naman.

'Ikaw Fern, saan mo gustong sumakay?' tanong naman ni Gorby kay Fern.

'Gusto ko dun.' sabay turo niya sa isang ride na nasa malayo.

Napalingon naman ang lahat sa itinuro ni Fern.

'Saan?' dahil hindi nila masyadong tanaw kaya napatanong na lamang sila ng sabay.

Napakamot na lamang sa ulo si Fern at naglakad papunta doon sa ride na gusto niya. Napasunod naman silang lima sa kanya.

Habang palapit ng palapit, pabagal ng pabagal naman ang paglalakad nina Clark, Jeur at Exe. Hanggang sa nakarating nga sila sa gustong ride ni Fern.

'Yan ba ang gusto mo Fern?'

'Opo, yaya Mau.' masayang sabi ni Fern.

Nagulat naman sina Clark at Jeur nang makalapit sila sa doon. Napabaling ang kanilang tingin kay Exe na nasa likuran nila at mukha ding gulat na gulat.


'Bumped cars.' 

Kinakabahan at natatakot na sabi ni Exe.

---------------------------

(edited: Dec 22, 2016)

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon