Hello FIFTEEN

1K 27 6
                                    

Hello FIFTEEN

EXEQUIEL'S POV


HINDING-HINDI TALAGA AKO MAKAKAPAYAG.

Siguro nga kailangan nina Fern at Gorby ng yaya pero puwede namang iba na lang huwag lang yung babaeng yun. Hindi ko siya gusto. Masyado siyang maingay, masyado siyang bilib sa sarili niya at isa pa, estudyante siya sa AHaS na paaralang yun.

Hindi ko gusto yung paaralan niya. Hindi lang naman ako, marami kami. Avenue High School at ang Xanthic School ay matagal ng magka-away. Students and even teachers ng Xanthic School ayaw na ayaw nila/namin ang mga students and teachers ng AHS.

In short, our school and their school are enemies.

Kapag napabalitaan na may kaibigan o kakilala ka sa AHS, lagi ka ng aasarin ng mga kaklase at schoolmates mo. Kaya isang dahilan din iyon kung bakit ayaw ko magtrabaho yung babaeng yun dito. Ano na lang ang sasabihin ng mga scholmates ko kapag nalaman nila na kasama ko sa iisang bahay ang isang student ng AHS?


Umaga na pala at ngayong araw na mismo magsisimula ang unang araw niya sa trabaho. Wala e, hindi ko talaga napigilan si Mommy. Pati si Daddy pumayag na din sa gusto ni Mommy. Pareho pa sila ng sinabi ni Mommy.

'Exequiel anak, the kids need her. And for sure even you, you also need her.' sabay tapik sa balikat ko.

 Ano ba kasing iniisip nila. Hindi ko kailangan yung babaeng yun! Hindi ko kailangan ng yaya. Hindi ko kailangan ng tulong!

I CAN STAND ON MY OWN. Okay, galit na talaga ako.

Pababa na ako papunta sa sala. Masakit ang ulo ko ngayon pero kailangan ko pa ring pumasok. Kailangan talaga kasi mas sasakit yung ulo ko kung mananatili ako dito na kasama yung babaeng taga-AHaS.

Hindi ko pa pala nabanggit sa inyo. Yun nga tinanggap siya ni Mommy bilang yaya. Sinamahan naman siya ni Mommy sa bahay nila para magpaalam at kumuha ng gamit. Tapos bumalik sila rito at dito na raw siya titira. Ang sama diba?


'Good Morning.'  Good? E kahapon pa masama araw ko dahil sayo.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa kusina. Kukuha lang ako ng fresh milk tapos aalis na.

'Good Morning Daddy.' sabay nilang bati sa akin.

'Good morning din.'

'Daddy, halika kain muna tayo. Nagluto chi yaya Mau para cha atin.' yaya? Tss.

'Sorry Fern, pero kailangan ko nang pumunta sa school. Doon na rin ako kakain. Just enjoy your meal.'

'Hindi mo ba pagbibigyan yung bata?' tinitigan ko lang siya. Mukha namang natakot. 'A-ah. Si-sige, bye.' tumawa siya ng bahagya at binalingan ulit yung hinahanda niya.

'Hoy.' tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya agad.

'Maureen ang pangalan ko. Mau for short.' sabi niya ng nakangiti. Tinitigan ko ulit siya. Ba't niya ba ako kino-correct? Mukha namang natakot siya ulit. 'Ah-- s-sige 'Hoy' na lang kung yan ang gusto mo.'

'Kailangan sa pag-uwi ko malinis yung bahay. Huwag ka ring magpapasok ng kahit na sino dito, kakilala mo man o hindi. Huwag ka ring pumasok sa kwarto ko. Puwede kang pumasok sa kwarto ng mga bata at doon maglinis, pero HUWAG NA HUWAG SA KWARTO KO. Naiintindihan mo?'

'O-Oo. Naiintindihan ko.'

'Kailangan din sa pag-uwi ko nakaluto ka na ng panghapunan namin. At least man lang bago ka pumasok sa paaralan mo, meron na kaming makakain. At ito pa. Kapag papunta ka sa school mo at pauwi kana rito , kinakailangan naka-civilian ka. Doon ka na sa paaralan niyo magbihis ng uniform. Alam mo naman siguro ang hidwaan sa pagitan ng paaralan mo at ng paaralan ko diba?'

'O-Oo. A-Alam ko, yun lang ba?' takot naman pala sa akin. Tss. Hindi ko na siya sinagot pa. Datapwat ininom ko na lamang yung fresh milk ko, tinalikuran siya at umalis na.

Kailangan ko siyang pahirapan upang hindi siya makatagal rito. Kaya lang, hindi ko alam kung paano. 

-----------------------------------------

(edited: Dec 19, 2016)

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon