Hello ELEVEN

1.3K 30 5
                                    

Hello ELEVEN

Tatlong araw nang nandito sina Mommy at Daddy sa Pilipinas. At sa tatlong araw na yun akalain niyo at naging close yung apat? Oo, silang APAT!

Si Mommy, Daddy, Gorby at Fern.

Binilhan pa nga nila ng bagong mga damit yung dalawang bata pati na rin ng mga bagong laruan. Pinapunta pa nila ito sa bahay namin. Yung mismong bahay talaga namin. Nasa kabilang village lang naman ito kaharap lang ng village namin. Ito ay ang Cool East Village, lahat ng mga bahay doon  3 to 7 floors. At lahat ng mayayaman at sikat ay doon nakatira. 

Minsan rin kapag kailangan ko ng pumasok sa school, maaga pa lang nasa bahay na si Mommy o kaya ay si Daddy. Sila raw yung magbabantay sa mga bata habang nasa paaralan ako. Pinagalitan pa nga nila ako kasi raw iniiwanan ko lang sila dito sa bahay paano raw kung may makapasok na masamang tao o kaya naman ay may mangyaring sunog. 

Ngayon, hindi sila makakapunta dito sa bahay kasi magiging busy na sila sa business. Yun naman kasi talaga ang pinunta nila dito sa Pilipinas.

'Daddy, pupunta ba ngayon china lolo at lola?'

"'Hindi sila makakapunta ngayon dito Gorby. May meeting kasi sila para sa business namin. Kaya katulad nung dati maiiwan na naman kayo dito sa bahay. So mag-behave kayo dito. Uuwi ako mamayang lunch kasama sina Jeur at Clark.'

'Okay Daddy. Behave lang kami dito ni Fern. Ingat po.'

Nag-smile lang ako sa kanya tapos lumabas na.

Maaga akong nagising kanina kaya ang aga kong pupunta ngayon sa school. May taxi agad na dumaan kaya pinara ko na ito. Dahil nasa biyahe pa naman kinuha ko yung cellphone at earphones ko. Magpapa-tugtog na muna ako para naman hindi boring ang byahe.

Now playing: Only One by B1A4. (A/N: Sa lahat ng Kpop addicts dito katulad ko, may music diyan sa gilid. paki-play niyo na lang po)

~ ulgo sipeul ttae ureoyo seulpeumdeureul aesseo chamji marayo

geudaega dasi useul su itge naega anajulgeyo

himi deul ttaemyeon jamsi swieogal su itdorok naui eokkaereul billyeojulgeyo

I pray no tears in your dreams

I know you'll fly high in your life ~

'Sir, nandito na po tayo.'

'Ah! Pasensya na po manong . Eto pong bayad.'

Nagsimula na akong maglakad papunta sa room ko. Nakikinig pa rin ako ng kanta mula sa cellphone ko para naman feel na feel ko yung pagiging cool. Oh diba?

Mukhang nagiging cool na talaga ako sa paningin nila ah. Paano ba naman,pinagtitinginan talaga nila ako.

Nakakapagtaka lang kasi parang pinagbubulungan din nila ako. Tapos yung mga tingin naman nila parang hindi naman kinikilig. May mali ba?

Hindi ko na lamang sila pinansin pinagpatuloy ko na lang yung paglalakad.

Nung nasa 2nd floor na ako. May bigla na lang humila sa t-shirt ko. Huminto naman ako tapos tinanggal ko yung isang earphone sa tenga ko. Lumingon naman ako pero wala namang tao.

Pagyuko ko naman.

'Hello Daddy!'

'Ahhhh!' na paatras ako dahil sa gulat. 'Ba-Ba't ka nandito? A-A-Anong.. . . P-Pa-Paano?'

'Chinundan ko po kayo . Guchto ko po kaching makita ang chool niyo eh.'

Lumingon-lingon naman ako sa paligid. Ang daming students dito kaya binuhat ko si Gorby tapos pumunta kami sa may puwesto na wala masyadong tao.

'Gorby naman, diba sabi ko sayo behave ka lang dun sa bahay? Naku naman!'

'Pero kachi Daddy, I'm curious about your chool. Thatch why I followed you.'

'Ayan ka na naman, ini-english-english mo na naman ako. Haaay. Alam mo bang ang laki ng problemang ginawa mo?'

'D-Daddy, I-Im chorry.' sabi niya habang naka-pout at parang papaiyak.

'No, Gorby. Ang ibig ko lang namang sabihin asan na kita iiwan ngayon? May klase pa ako. Bawal kitang dalhin sa room namin. At isa pa, paano na si Fern dun sa bahay? Wala siyang kasama dun at sigurado akong hahanapin ka nun.'

'Uuwi na lang po ako Daddy.'

'Hindi rin puwede, baka mapahamak ka diyan sa tabi-tabi.'

'Oo nga. Paano ako ngayon nito Daddy?'

Tulong naman. Anong gagawin ko kay Gorby?

'What should you do? Where should you go?'



To be continued . . . 

__________________________________

(edited: Dec 04, 2016)

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon