Hello TWELVE

1.3K 36 13
                                    



Hello TWELVE


'Very good Mr. Santos. Next Mr. Lineses please stand up.'



'Mr. Lineses!'


'MR. EXEQUIEL LINESES!'


'Ma'am! Ma'am!' napatayo ako bigla dahil sa pagsigaw nitong Math teacher namin. Tinatawag niya pala ako.


'HAHAHAHAHA!' pinagtatawanan tuloy ako ng mga kaklase ko.


'Mukhang nagde-daydream ka diyan Mr. Lineses! You're present but your mind is absent! Naiwan mo ata yung utak mo sa bahay niyo.'


'HAHAHAHAHA!' pinagtatawanan na naman nila ako. Mas malakas kesa sa tawa nila kanina. Yumuko nalang ako dahil sa hiya.


'Shut up!' sigaw naman ni Math teacher sa mga kaklase ko. Buti nga sa kanila, ang iingay kasi. 'Is there any problem Mr. Lineses?'


'Wala po Ma'am.' yeah, wala naman kasi talaga e.



Wala nga ba?


'Kung wala, bakit tulala ka diyan?'


Sino ba naman kasing hindi matutulala sa problema ko ngayon? Dumagdag ka pa Ma'am. Pero siyempre sa isip ko lang yan.


'Sino ba naman po kasing hindi matutulala sa KAGANDAHAN niyo Ma'am! Diba classmates?' sabay smile at kindat ko sa teacher namin.


'Hahahaha! Tama! Tama!' tumango-tango naman sila. Meron ding iba na naka thumbs up habang tumawa.  Napalingon naman ako kay Jeur at Clark, ayun tawa ng tawa kulang nalang e gumulong silang dalawa.


'I said SHUT UP! Mr. Lineses, SIT DOWN!'


Hahaha. Ma'am, PIKON!

Kanina pinapatayo ako, ngayon naman pinapaupo na.


//kriiing// (BREAKTIME)


Dali-dali akong lumabas sa classroom. Pupuntahan ko muna si Gorby. Baka ano ng nangyari sa batang yun.


'Exequiel!' napatigil ako sa paglalakad at lumingon.

'Oh?' sina Clark at Jeur pala.


'Ba't di mo kami hinintay? Pupunta ka ba sa canteen?' tanong ni Clark habang humihingal.


'Hindi. Sa playground ako pupunta.' nagpatuloy na ako sa paglalakad at nakasunod naman yung dalawa.


'Huh? PLAYGROUND? You mean, yung playground sa may elementary building?' gulat na tanong ni Jeur.

Tumango lang ako as an answer.

Nagkatinginan naman sila. Nagtataka siguro kung bakit ako pupunta dun. Nakakapagtaka naman kasi talaga, isang highschool student tapos pupunta sa playground? Ano 'to, may kalandian?


'HAHAHAHA. Ano namang gagawin mo dun? Maglalaro?' kanina pa sila tawa ng tawa. Hindi ba nangangawit mga panga nila?


'Kaya ba hindi mo kami hinintay? Sasamahan ka naman namin kahit saan. Hindi mo kailngang mahiya.' 


Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Habang sila naman, tawa parin ng tawa.

--------------------------


Tawa pa rin sila ng tawa kahit nasa playground na kami. Mas lumalala pa nga ata e. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng dalawang to.


'O nandito na tayo Exe. Pwede ka nang maglaro. Pffft. HAHAHAHA' 

Dahil sa damuhan na dito, hindi na napigilan ni Clark na mapaupo dahil sa kakatawa.


'Oo nga. Kung gusto mo piktyuran pa kita e, tapos ipapakita namin kay Gorby at Fern mamaya. HAHAHA' 

HELLO DADDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon