Chapter 2

492 21 0
                                    

Chapter 2

Third person's POV

Piglas dito, piglas doon. Pero kahit anong pag pu-pumiglas ang gawin niya hindi siya makakawala sa kadena niya.

Nang makaramdam siya ng pagod pinasadahan niya ng tingin ang mga lalaking naka tayo sa harap niya.

Tumawa siya, tawang paos na, tawang pagod na pagod na sa mga pag hihirap niya. "Baliw na talaga ang isang ito." pailing-iling na utas ni Wilson.

"Ano wala pa bang update galing kay boss?? Ano na ba ang gagawin natin sa babaeng ito? Naiirita na ako e." naiinip namang sabi ni Neil, isa sa mga gang.

Napahawak siya sa ulo niya dahil sa ginawang pag batok ni Wilson sa kanya. "Gago wag kang mas marunong kay boss! Baka gusto mo mauna ka diyan sa babaeng iyan!" sabay turo niya kay Stacey na ngayon ay namumungay na ang mga mata.

Ilang buwan makalipas ang trahedya sa barko napag-alaman ni Cole na si Stacey ang may pakana ng lahat. Hindi na siya nagdalawang isip na puntahan si Stacey, hinuli niya iyon at pinahihirapan hanggang ngayon.

Hindi na niya naisip ang kasarian ng babaeng ito, ang nararamdaman nalang niya dito ay galit, matinding galit.

"Nagtatanong lang naman e." padabog na bulong ni Neil. "J-jonas..." sabay-sabay silang lahat napalingon sa nanghihinang so Stacey.

Lumapit sa kanya si Wilson at itinaas nito ang mukha ni Stacey para mas makita niya. "Anong sabi mo?" tanong niya sa babae.

Ngumiti ng nakakaloko si Stacey na siyang nagpataas ng mga balahibo nilang lahat. Baliw na talaga ang isang ito...

"Jonas B-buenaventura..." nagtaas ng kilay si Wilson. Iniisip kung sino ang binabanggit na pangalan ng babaeng kaharap niya at kung bakit niya ito binabanggit.

"Hays...wala na talaga ang babaeng iyan. Pabayaan mo na nga lang, sayang naman. Maganda sana kaso may sapak sa ulo." nahihinayang na utas ni Neil.

Tumayo naman si Wilson at lumayo kay Stacey, pero hindi parin niya maalis sa utak niya ang sinasabi ng babae. Posible kayang may kinalaman ang taong iyon sa nangyari?

Sa kabilang banda... parehong nanonood ng TV si Jonas at Fatima habang nakahiga sila sa kama. Seryosong nakatutok si Fatima sa palabas ng biglang higitin ni Jonas ang kamay niya at pinaglaruan ito.

Nag angat ng tingin si Fatima kay Jonas na masyado ring tutok sa pinapanood pero patuloy parin sa paglaro ng kamay niya.

Pero may nahagip na kakaiba si Fatima. Hinawakan niya ang kamay ni Jonas kaya napatingin si Jonas sa kanya.

"Bakit?" takang tanong ni Jonas. "Love...nasaan ang sing-sing mo?" nanigas si Jonas sa kinauupuan niya. Bakit nga ba hindi niya naalalang bumili ng bagong sing-sing para sa kanila??

"A-ah love kasi diba nung sa aksidente, habang niligtas kita bigla nalang nahulog ang sing-sing ko. Alangan namang unahin ko iyon kesa sa iyo hindi ba?" pilyong ngumiti si Jonas dahil nagawan nanaman niya ng kuwento ang tanong ni Fatima.

When a Star Starts Falling  Book 2 of Rivera Series#1Where stories live. Discover now