Chapter 11

385 15 0
                                    

Chapter Eleven

“Talaga!?” gulat na sigaw ni Mila. Mag pi-pitong na buwan na ang nasa sinapupunan niya kaya naman may kalakihan na ito.

“My gosh! Pareho na kaming buntis ng pinsan ko! At magkapatid pa ang lumahi sa amin!” hindi mapigilan ni Fatima ang pagtawa sa sinabi ng kanyang pinsan.

Masyado itong nagiging totoo sa salita niya, walang preno ang bibig. Lumapit ito kay Fatima at hinimas ang tiyan.

“Kung nandito lamang si tita Felicia tiyak na matutuwa iyon.” maluha-luhang wika ni Mila. “Nga pala...kumusta ang naging bisita nila Tito Caleb?” napawi ang ngiti ni Cole sa tanong na iyon ni Mila kaya si Fatima na ang sumagot.

“Uh...medyo may alitan lang.” sabi ni Fatima sa maliit na boses. Napahawak sa noo si Mila kaya hinagod ng asawa niya ang likod nito.

“Sana pala talaga hindi nalang natin sinabi kung saan sila nakatira.” napuno ng pagsisisi ang tono ng boses ni Mila.

“Hindi ayos lang iyon noh. Mabuti nga at nagkausap narin kami, sana maisip nilang...magbago na.” usal ni Fatima.

“Mi...don't think about them. Only think about yourself.” singit naman ni Cole saka hinagkan ang asawa.

“Sinabi ko lang naman.” medyo iritang sabi ni Fatima. “Sinabi ko lang din naman e.” Cole chuckled softly and kiss Fatima's cheek.

“Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!” tumayo si Fatima at dumiretso sa kusina. Tumawa naman ang tatlo. “Ganyan talaga bro, madaling mairita.” sabi ni Calyx na ngayon ay hinihimas din ang tiyan ni Mila.

Umiling si Cole at sinundan ang asawa sa kusina. Nakita niyang nakatakip ang mga palad nito sa kanyang mukha at bahagyang gumagalaw ang mga balikat.

Agad siyang dinaluhan ni Cole. “Fvck! Why are you crying? M-may masakit ba? Do you want me to take you to hospital?” tarantang tanong ni Cole.

Kaya ang mag asawang nasa sala ay pumunta narin sa kusina. “Ano ba!? Don ka na nga!” masungit na sabi ni Fatima sa hindi malamang dahilan.

“B-bakit? Fvck! Anong nangyayari sa kanya?” baling na tanong ni Cole kay Calyx. His brother just shrugged it's shoulder at iginaya na ulit ang asawa sa sala.

“Why are you crying? Hmm? Tell me. Please...” mahinahon na tanong ni Cole sa asawa. Hinawakan niya ito sa bewang at iniharap sa kanya.

Tinanggal ang mga palad sa mukha at inalis ang ilang hibla ng buhok. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Cole at pinagkatitigan ang asawa na para bang naghahanap ng sagot kung sakaling hindi ito mag salita.

“Ki-niss mo ko e.” nanlaki ang mata ni Cole sa sinabia iyon ng asawa. Tumaas ang kilay nito at naghihintay ng salitang isusunod ni Fatima.

Tinanggal na din nito ang pagkakahawak niya sa bewang ng asawa. “So...what do you mean? That I shouldn't kiss you?” puno ng sarkastiko ang boses na iyon ni Cole, hindi payag sa sinabi ng asawa.

“Oo! Ayoko nga ng ganun e!” humalukipkip si Cole at mariing pumikit, he sigh deeply. “Ganito ba talaga kapag nagbubuntis?” mariing bulong ni Cole sa sarili.

“Okay...come on. Let's just rest.” marahan na niyang hinila si Fatima papuntang kuwarto nila. Pagkarating nila don agad naman itong nakatulog.

Inisip ni Cole na kapag tulog nalang niya ito mahahalikan kaya kinuha na niya ang pagkakataong iyon saka lumabas sa kuwarto at nagtungo sa sala.

When a Star Starts Falling  Book 2 of Rivera Series#1Where stories live. Discover now