Chapter 13

404 18 0
                                    

When a Star Starts Falling

Book Two of THAT FATTY GIRL

Chapter 13

Napapitlag si Cole dahil sa biglaang pagbangon ng kanyang asawa. “Mi? Saan ka pupunta? Ayos ka lang ba?” sinundan niya ito sa banyo.

Patuloy itong nag susuka sa lababo at panay naman ang himas sa likod ni Cole. “I'll call a doctor.” akmang lalabas na ito nang higitin bigla ni Fatima.

“H-hindi pwede.” sumuka nanaman ito. Biglang nainis si Cole dahil nahihirapan na siya ayaw pang magpadala. “What!? Look at you! Hirap na hirap ka na!” sigaw nito.

Naghilamos si Fatima at masamang tiningnan ang asawa. “Pagtatawanan ka ng doctor kapag ginawa mo iyon!” sigaw pabalik ni Fatima at naunang lumabas kay Cole.

“Bakit naman ako mapagtatawanan? It's their job to check on someone's condition!” umupo si Fatima sa kama. “Look Cole...it's normal. Huwag kang mag panic.” pagod na tumingin ito kay Cole.

Cole sigh and kneeled down infront of Fatima. He caress her belly. “I'm sorry...hindi lang talaga ako sanay na lagi kang sinusumpong ng ganyan.” marahang wika nito.

Hinaplos naman ni Fatima ang buhok ni Cole. “It's okay...pero sa susunod na magpa panic ka nanaman mag tatampo na ako.” nakangusong sabi nito.

Cole chuckled sexily and gave Fatima a peck on the lips. “Okay. Sleep na, baka mapuyat ka.” Fatima nodded at sabay na silang humiga.

•••

Limang buwan ang makalipas habang nasa opisina ang mag asawang Fatima at Cole ay may biglang tumawag sa telepono.

“Sino yan?” tanong ni Fatima habang may binabasa sa isang papeles. “It's hyung.” sinagot ni Cole ang tawag at inilapat sa tainga niya.

“Hello? Napatawag ka?” tanong ni Cole. “What!?” halos mapatalon si Fatima sa kinauupuan niya nang sumigaw ang asawa.

“Okay okay pupunta na kami diyan.” pagkababa niya sa cellphone ay mabilis na binalingan ang asawa.

“What happened?” tanong ni Fatima. “Mila, manganganak na raw.” pagkasabi non ni Cole mabilis ring napatayo si Fatima.

“Oh teka lang! Mag dahan dahan ka, baka ikaw naman ang mapano.” hindi siya pinansin ni Fatima at nauna pa ito sa kaniyang maglakad.

Mabilis silang nakarating sa hospital dahil hindi naman ito ganon kalayo sa kompanya nila. Habang nasa daan ay sinabi na sa kanila ni Calyx na nasa emergency room pa.

Mabilis nila itong dinaluhan nang makitang naghihintay sa labas ng kuwarto ni Mila. “Hey.” pag agaw pansin ni Cole sa kuya niya.

“Hey...” bati pabalik ni Calyx. “Kumusta?” tanong ni Cole. “Ayun hindi pa tapos. Akala ko nga mag la-labor pa lang e.” komento ni Calyx.

He looks calm and okay, napaisip tuloy si Fatima paano kung siya na ang manganganak ganito rin kaya si Cole o mag pa panic na naman?

Habang naghihintay sila ay biglang nagtanong si Calyx. “Cole pagkanganak ni Mila uuwi na kami ng Pilipinas. Kayo ba?” nilingon ni Cole si Fatima.

“Uuwi rin kami. Gustong dalawin ni Fatima ang puntod ni tita Felicia.” napangiti si Fatima dahil doon. “Doon narin ako manganganak, feeling ko masyadong mahirap rito baka habang umiire ako dumudugo ilong ko.” kumunot ang noo ng dalawa.

When a Star Starts Falling  Book 2 of Rivera Series#1Where stories live. Discover now