Chapter 6

391 18 0
                                    

Chapter 6

Third person's POV

Natulog silang pareho sa bahay nila Fatima. Gusto man kasi ni Cole na iuwi ito sa kanyang bahay ngunit ramdam na niya ang pagod ng asawa kaya siya na ang nag insist na dito nalang muna magpalipas ng gabi.


Pero syempre hindi na muna tinabihan ni Cole ang asawa lalo na't alam niyang hindi pa ito kumportable sa presensiya niya.


Alas onse y medya na pero heto at gising parin si Cole. Pag-katapos niyang mag shower ay tinawagan niya muna sila Calyx.


“Hello Cole? Where are you?” pagtatanong ng kuya niya, halatang naistorbo ang kanyang pagtulog dahil naghihikab pa ito.

“I'm with Fatima. We're here in their house.” narinig niya ang tunog ng kama hudyat na tumayo ito. “Oh? Ano? Kasama niyo diyan si Jonas?” tanong nito.


“No, he's not here. Probably hiding.” mariing sabi ni Cole. “Uh-huh? That bastard! Wag talaga siyang makalapit-lapit sa asawa ko.” may inis sa boses na sabi ni Calyx.


“That is supposed to be my line hyung.” natatawang sabi ni Cole. “Wow!” malakas na sabi ni Calyx kaya maging si Mila ay sumigaw na sa sobrang ingay ng asawa.


“Why the fvck are you shouting!?” inis na usal ni Cole. “Relax! Nagulat lang ako. Ilang taon mo yata ako hindi tinawanan!” natahimik si Cole sa sinabi ng kanyang kuya.


“Bye na nga! Deal with your mad cow wife!” humagikgik si Cole pagkatapos sabihin iyon at agad na pinatay bago pa man makapag salita ang kanyang kuya.

Dumiretso siya sa kama ng guestroom nila Fatima at tumingala sa ceiling at wala pang ilang minuto ay agad nang nakatulog.


“Cole.” gumalaw sa kabilang side ng kama si Cole at tinabunan ng unan ang kanyang ulo. Hindi na alam ni Fatima ang gagawin niya.


Sobra na siyang nababalisa dahil naka boxer lang ngayon si Cole sa harap ng kanyang mga mata.


“Uh...Cole. it's almost ten, we need to eat.” marahang sabi ni Fatima. Humalukipkip siya at tiningnan si Cole na ngayon ay nagkakamot ng ulo habang nakapikit.

Napatili si Fatima ng bigla siyang hilahin ni Cole papunta sa kama at sa mga bisig niya. Mahigpit niyang niyakap si Fatima.

“Can I eat you then?” Cole asked with his husky voice. “What!?!?” nagpumiglas si Fatima sa yakap ni Cole pero she's too weak to escape from the demon's arm.


Humalakhak si Cole. “I'm just kidding. Go eat. It's late for your breakfast, bakit hinintay mo pa ako ha?” nag-aalalang tanong ni Cole.


“H-hindi kita hinintay hano! I-isn't rude to just eat without waiting for your visitor?” Cole clenched his jaw. “So you see me as your...visitor?” malalim na tanong ni Cole.

“Never mind. Don't think about it, go eat. Mag sho-shower lang ako.” sabi ni Cole, hinalikan muna sa pisnge si Fatima bago tumayo at nagpunta ng banyo.

Hinawakan ni Fatima ang dibdib niya at pinakiramdaman ng maigi ang tibok ng kanyang puso. “Kailangan ko na yata magpatingin sa doktor.” hinawakan niya ang mukha niya dahil nag iinit narin ito.


Mabilis ang naging pagtayo niya sa kama at pumunta ng kusina upang makapag hain. Talagang hinintay niya si Cole dahil pag-katapos kumain ay gusto niyang linawin ang lahat.

Kung paano sila nagkakilala, anong pakikitungo niya sa kanya noong una, ano ba talaga ang nangyari sa barkong sinasabi ni Jonas, at kung nasaan ba talaga ang mga magulang niya.

When a Star Starts Falling  Book 2 of Rivera Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon