Chapter 12

406 18 0
                                    

When a Star Starts Falling

Book Two of THAT FATTY GIRL

Chapter Twelve

“Are you excited?” tanong ni Fatima kay Mila na ngayon ay inaayusan na ng mga make up artist.

“I'm nervous...” sabi ni Mila at pilit na ngumiti sa pinsan niya. Sa wakas dumating na ang araw na pinakahihintay nilang lahat.

Ang makasal si Calyx at Mila. Fatima is wearing a pink infinity gown, ganun din sila Zaalia at Reighnity.

Sa mga lalaki naman ay mga tuxedo. And ofcourse the bride Mila who looks perfect on her white wedding gown that suits her with her belly.

Napapalakpak sa tuwa si Fatima habang nakatingin sa pinsan niya. “The wedding is about to start. Are you guys finish already?” tanong ng wedding coordinator.

Nag sitanguan silang lahat at dinala na sa harap ng napiling simbahan si Mila. Sinalubong siya ng kanyang mga magulang na halata ang saya sa mga mukha.

Cole walk over to Fatima and snake his arms around her waist. Mabuti nalamang at hindi nag susungit si Fatima.

Hanggang sa nagsimula na nga ang kasal at naunang mag lakad sila Fatima at ang iba pa. Si Calyx ay hindi mapakali at parang gusto nalamang maiyak.

Kahit na wala na ang ama nila nararamdaman parin nila ang presensiya nito na tila ba sinasabing natutuwa siya sa nararanasan ng mga anak niya.

Hindi na rin nag abala pang imbitahin nila Calyx at Cole sila Caleb at Carmen. Baka raw imbes na matuwa sila ay magalit pa, hindi narin naman nagreklamo sila Fatima.

“You may now kiss the bride.” sa wakas ay nasabi na ng pari at doon na itinaas ni Calyx ang belo ni Mila at hinalikan ito.

Nagsihiyawan silang lahat sa saya. Picture picture at pagkatapos don ay tumuloy na sa reception.

Pagkarating don ay nagkainan, nagsayawan at nagkantahan pa sila. Hanggang sa makaramdam si Fatima na gusto niyang umihi.

Nag paalam siya kay Cole. Akmang tatayo rin si Cole pero pinigilan siya ni Fatima. “Si Reighnity nalang ang isasama ko. Ano papasok ka sa loob?” sarkastikong sabi ni Fatima.

Nag tiim bagang si Cole at inis na bumalik sa upuan niya. Magkahawak kamay naman na pumunta si Reighnity at Fatima sa girls comfort room.

“Salamat.” tumango lang sa kanya si Reighnity at pareho na silang pumasok sa cubicle. Huhubarin na sana ni Fatima ang kanyang pang ibaba ng may pumigil sa kanya.

At tinakpan pa ang bibig niya. “Shh!!” mariing sabi ng lalaki na nakatakip ang mukha. “HMMM HMMM!?” pilit na nagpupumiglas si Fatima at aksidenteng natanggal ang takip sa mukha nung lalaki.

Huminahon si Fatima kaya tinanggal na ni Jonas ang kamay niya sa bibig nito. “A-anong ginagawa mo dito?” bulong ni Fatima dahil baka marinig siya ni Reighnity.

“Calm down first.” Tumango naman si Fatima kaya binitawan na siya ni Jonas. “Fatima? Tapos ka na ba?” tanong ni Reighnity.

“A-ah e...ano Reighnity mauna ka na! Medyo matatagalan pa ako, may tawag si kalikasan.” pagpapalusot ni Fatima. “Sige sige bilisan mo ha.” she hum as a reply.

When a Star Starts Falling  Book 2 of Rivera Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon