Chapter Twenty Six: You And I (part two)

85.4K 2K 178
                                    

Chapter Twenty Six: You And I (part two)

CYRHEL

Hanggang sa tumunog ang alarm clock sa bedside ay nananatiling dilat ang aking mga mata. Hindi ko magawang makatulog kahit anong pikit ang gawin ko. Magdamag akong nagmumuni-muni at binabalik-balikan sa isip ang nangyari nang nagdaang gabi.

"Ate, pinapatawag na po kayo ng Mama ninyo sa ibaba."

Tumango lang ako. Hindi man lang nag-abalang lumingon sa kanya.

"Ate?" Lumapit sa akin ang katulong at nagtatakang tumingala sa kisame kung saan ako nakakatitig.

"Pakisabi kay mama susunod na ako," wika ko na hindi man lang kumukurap.

"S-sige po." Pagkatapos ay lumabas siya. "Adik lang!" Bagaman pabulong niya lamang sinabi iyon ay nakarating pa rin iyon sa aking pandinig.

Maybe she's right. Adik na yata ako. Daig ko pa ang nakatira ng naptalina. Gising na gising ang diwa ko at patuloy na lumipad ang aking isipan.

Nang muling tumunog ang alarm clock ko ay basta ko na lamang iyon kinabig at nahulog sa sahig. I'm too lazy to get up. Ngunit nang marinig ang pamilyar na ringtone ng aking cellphone ay agad akong napabalikwas ng bangon.

Tyron is calling. Sasagutin ko ba o hindi? Nae-excite na kinakabahan na hindi ko mawari. Ganito ba talaga ang epekto ng aftershock?

I let out a long sigh before I answer his call. Tumikhim pa ako para maka-vocalize ang boses. "H-hello..." But to my dismay, ibang tinig ang narinig ko sa kabilang linya.

"Hello, Ate Cyrhel...si Katkat po ito."

"Nasaan ang amo mo? Bakit cellphone niya ang gamit mo?"

"Naiwan po ni Kuya itong cellphone niya. Kanina pa po siya pumasok sa trabaho."

Ang damuhong iyon, hindi man lang nag-abalang i-text o tawagan ako. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay wala na akong narinig mula sa kanya. Kunsabagay, paano nga naman makakapagsalita si Tyron matapos ko siyang bigyan ng uppercut. Nagulat ako ng husto sa ginawa niyang paghalik sa akin. Siya yata ang first real kiss ko. At bago ko pa napigilan ang sarili...hayun! Basag ang nguso niya.

"Ate, pwede po ba kayong pumunta rito ngayon?"

Kumunot ang noo ko. "May sakit ba si Baby Ron-Ron? May nangyari bang masama sa kanya?"

"Wala naman po, ate. Kaya lang...walang magbabantay sa kanya. May importante po kasi akong lakad."

"Hindi ako pwede!" Mabilis kong sagot. Ayokong makita ang pagmumukha ng bakulaw na iyon.

"Ate, sige na please. Ngayon lang naman. Nakasalalay dito ang lovelife ko at ayokong tumandang dalaga."

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon